Advertisers

Advertisers

Philippine HALAL Development Authority pag-usapan sa KAMARA

0 12

Advertisers

Mga kaibigang Muslims at Halal advocates dapat sigurong maisulong sa kamara ang counterpart measure para repasuhin ang existing na batas tungkol sa pagpapalago ng industriyang HALAL.

Ang kulang lang mga Ka Usapang HAUZ ay isang mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ang maglakas loob na magsulong ng panukala sa pagkakaroon ng panibagong Sangay ng gobyerno ang Philippine HALAL Development Authority na hindi lang mga kapatid na muslim ang makikinabang bagkus ang buong mamamayang Pilipino.

Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ sana nama’y maintindihan ng kamara ang kahalagahan ng naturang sektor, base na rin sa isang column na nilagdaan ng isang Halal advocate at marketing expert na si Dindo Danao:



the DTI aims to generate P230 billion in investments and create 120,000 jobs in the HALAL sector within 5 years, di po ba napakaganda ng adhikain na para sa ikauunlad ng bansa at maiahon sa kahirapan ang mamamayan.

the Plan is to tap the growing demand from 1.9 billion Muslim population accross 58 countries spanning Asia, the Middle East, Africa, Europe and the Americas,

ayon sa Opinion ni Danao na isang retired OFW at ngayon ay policy researcher at business consultant.

Base sa global think tank affiliated with World Bank, the global Halal market is expected to reach $ 7.7 trillion in value by 2025.

Maaring ito ay masasabing suntok sa buwan na goals ngunit maari din may katotohan kung ang mga lahat ng stakeholders sa sektor na ito ay mag kaisa para suportahan ang usaping Halal sa buong mundo.



Dagdag pa ni Danao na nanirahan sa Saudi Arabia ng mahabang panahon, ang Halal ay hindi lang para sa mga kaibigan nating Muslims.

“It goes beyond dietary restrictions to include treatment of animals and lifestyle practices and refers to practices and behaviors that are considered permissible according to Islamic teachings, ” ayon kay Danao.

Halal provides the Philippines an opportunity to increase its agriculture and food exports.

It could be part of the vision of President Bongbong Marcos to gain more investments which will translate into higher economic activity, more quality jobs and better quality of life for Filipinos ayon sa statement ni Danao.

Kaya naman mga Ka Usapang HAUZ ay nais nating manawagan sa butihing House Speaker Martin G Romualdez at mga kongresista na mabigyan ng kahit konting atensiyon ang plano sa pagkakaroon ng Philippine HALAL Development Authority.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag txt or tumawag sa 09352916036