Advertisers
Ni BETH GELENA
NAKITAAN ng video nina Regine Velasquez at Darla Sauler kung saan biglang hinila ng huli ang buhok ng Asia’s Songbird.
Nakatalikod ang singer na kulot ang hair nang walang kaabug-abog na hinawakan ni Sauler.
Napagkamalan daw kasi ni Darla na si Juliana (ang karakter ni Kim Chiu sa Linlang) ang singer.
Pabiro namang sinabi ni Regine na magpapagupit muna siya habang si Kim ay humingi ng pasensiya na nadamay pa raw ang misis ni Ogie Alcasid.
Ang Linlang ay ang trending serye nina Kim at Paulo Aveluno bilang si Victor sa Pimetime Video.
May ibig lang iparating ang ibang netizens sa ABS-CBN, sana raw ay ipinalabas na lang sa kanilang YouTube Channel ang Linlang dahil hindi naman daw lahat ay nakakapag-upload ng Primetime video dahil wala naman daw silang budget para maka-upload ng PV. Ilalaan na lang daw nila sa pagkain ng pamilya ang P150.00 na ibabayad nila.
Sabagay, totoo naman.
***
NAPAKA-generous naman ni Jillian Ward.
Madali lang para sa Kapuso aktres ang bumili ng kahit anong luxury items like BMW o Porsche cars like she had before.
Binenta niya ang mga ito dahil nagma-mature na raw siya.
Ayaw na raw niyang maging magastos.
Ang pinagbilhan ng magagara niyang sasakyan ay ibinili niya ng real estate property dahil investment daw yun forever.
Pero, pagdating sa taong nakatulong sa kanyang career ay lumalabas pa rin ang generosity ng aktres.
Kamakailan ay nag-celebrate ng birthday ang kanyang handler.
Ang gift niya rito ay isang car.
Ganyan si Jillian kapag napamahal sa kanya ang taong alam niyang malaki rin ang naging hirap na pangalagaan siya.
Sini-share lang daw niya ang blessings na kanyang natatanggap.
***
IBINULGAR ni Alex Gonzaga ang kanyang second pregnancy loss sa unang pagkakataon.
Sa interview ng kanyang sister na si Toni Gonzaga sa show nitong Toni Talks ay ibinahagi niya ang kanyang pangalawang miscarriage this year.
Ayon kay Alex, nag-decide raw sila ng mister na si Mikee Morada na sumailalim sa IVF for their second baby.
Pero, nagkaroon daw siya ng second miscarriage last October na hindi nila isinapubliko.
Natanong ni Toni, bakit siya dumaan sa IVF? At bakit siya nagmamadaling mabuntis uli.
“Nape-pressure ako sa tao,” ani Alex.
Sabi naman ni Toni, “Oo, kasi lahat sinasabi na, ‘Si Alex na yung susunod.’ Naalala mo nung baby shower ko, ‘Alex ikaw na!’ Tas lahat ng video mo, ‘Pregnant na si Alex hindi lang niya sinasabi.’ Pero ang di nila alam, you just lost another pregnancy.”
Naluha si Alex nang maalala niya ang nangyari nu’ng kanyang kaarawan.
“Yung nangyari sakin this year dun sa ano ko, birthday ko. Yung parang everytime na may mami-meet ako, sasabihin na parang, ‘Ah mabait ka naman pala.’ Sabi ko, ‘Bakit kaya naging ganun yung connotation sa akin this year?’ So parang naano lang ako na, ‘Sana, Lord ang sakit ng mga pinagdaanan ko. Sana may maganda namang balik,'” aniya.