Daniel trip na maging action star gaya nina Papa Rommel at Uncle Robin; Claudine nagpahaging, Jodi bad influence sa ex-hubby na si Raymart?!
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TILA nagpahiwatig si Daniel Padilla at this is it, dumating na ang tamang panahon para mag iba na ito ng tatahakin sa kanyang karera.
Ibinida ni Daniel na plano na nitong gumawa ng action project.
Gusto raw nitong sundan ang yapak ng ama na si Rommel at tiyuhin na si Robin Padilla.
Ito na nga raw ang tamang panahon para umaksyon si Daniel.
Kadalasan kasi puro romantic project ang ginagawa ni Daniel kasama ang gf na si Kathyrn Bernardo.
Noong 2017 ay nakagawa na ito ng action project sa serye na La Luna Sangre.
Balita rin na magko-collab sila ni Richard Gutierrez para sa isang maaksyon na project.
Dahil busy pa si Daniel na may tinatapos na 3 pelikula, this year ay sinimulan na ng aktor ang project na Kamatayan.
Wala rin silang project na gagawin next year, 2024 ng gf na si Kathryn.
***
AYAW na sana ni Claudine Barretto na mabahiran ng malas ang kanyang latest project.
Dahil ang produ nito ay Chinese, naniniwala ito sa malas kaya huwag na raw pag-usapan ito.
Pero need naman daw nito na makapag-explain.
Sinabi ni Clau na di pa raw sila officially annuled ng estranged husband na si Raymart Santiago.
Takang-taka si Claudine kung bakit gusto ng ex na kunin ang custody ng kanilang anak.
Kung dati ay oks pa ang aktres na makipag friend sa ex hubby pero dahil sa karelasyon nito na binansagan niyang bad influence kay Raymart ay ayaw na niya.
Si Jodi Sta Maria ang hula ng hetizens na tinutukoy ni Claudine na BI kay Raymart kahit wala namang tinukoy ang award winning actress.
Well, well, well…’Yun na!