Advertisers

Advertisers

ISANG MANDELA MOMENT

0 10

Advertisers

ISANG Mandela moment. Ito ang tawag ni Chistian Esguerra tungkol sa sinapit ng dating senador Leila De Lima. Ang kanyang pansamantalang paglaya batay sa piyansa na inilagak sa korte ni Hukom Gener Gito ay matagal na inasam. Ipinalangin ng marami ang pagwawalang sala ng mga sumusubaybay sa takbo ng kaso niya. Bakit nga naman hindi? Alam kasi ng mga matitino sa pag-iisip na ang kaso ni De Lima ay pawang kathang-isip at ang mga ito ay pakana ng isang mapagpoot at mapaghiphiganting serial killer na ex-president. Nakamamangha ang biglang pagbaligtad ng maraming mambabatas na dati ay ihing-ihi na makunan na nag “fist salute” sa piling ng dating pangulong berdugo.

Ngayon sila ay humuhunyango, at nagbabakasakaling umibabaw ang “collective amnesia” ng kamalayan. Kaso mayroon malawak at malalim na memorya ang “social media.” Daig pa nito ang memorya ng isang elepante. Marahil nababasa ang kasulatan sa dingding, at nagkakaroon ng epekto ito sa mga kasapakat, na hindi manhid sa katotohanan. Paumangin po kung nagaastang nagbubunyi ako. Sa tagal kasi ng usad ng katarungan, sa wakas, natamasa din, sa paglaya ni Leila De Lima. Ito marahil ay isang munting tagumpay, bagkus, tagumpay pa rin para sa katarungan.

Sa ngayon hayaan nating magpahinga si Leila. Dahil tinitiyak ko pinaplano niya ang paniningil sa lahat ng humamak sa kanya. Batid natin ang hirap ng dinanas niya. Batid natin na ito ay bunga ng kanyang matatag na paninindigan at tiwala sa sa huli, mangingibabaw ang katarungan at katotohanan. Bagay na batid din ng mga pumanig kay “serial-killer president”. Sa ngayon tinatamaan na ng karma ang may pakana ng paguusig kay Senador de Lima. Bukod sa pagsampa ng reklamong “crimes against humanity sa ICC, nahaharap ang serial killer na dating pangulo sa kasong grave threats mula sa pinuno ng ACT Teacher’s Party st Frances Castro, at ayon sa impormasyon na nakalap ko may mga kasunod na kasong isasampa mula sa pinunterya ni Duterte sa paratang niya. Masabi ko na bilog talaga ang bola at ang karma ay parang boomerang na bumabalik sa taong nagpukol nito. At, katulad ng buhay ni Nelson Mandela, batid ng kamalayan na makakamit din ni Leila De Lima ang katarungan. Kahit tumagal ang pagikot ng bola. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.



***

NAKAKAALARMA ang balita na ibinebenta ang pasaporte ng Pilipinas sa mga dayuhan sa halagang kalahating milyong piso. Ito ay ibinunyag ni Senadora Riza Hontiveros sa isang panayam. Ayon sa inpormasyong nakalap ng opisina ni Senador Hontiveros, umaabot ng kalahating milyong piso ang bentahan sa bawat pasaporte na binibili ng mga dayuhan na pawang Insik upang maging legal ang pananatili nila sa bansa.

Tulad ng sinasabi ni Senador Hontiveros isa lang ang tugon ng maliit na peryodistang ito: HINDI BINEBENTA SA SINUMAN ANG PASAPORTE NG PILIPINAS. Kaya kindi dapat tratuhin ito ng sinuman na isang piraso ng kalakal. Ito ay dokumentong opisyal na binibigay lamang sa isang Pilipino. Ang pagbenta ng pasaporte natin sa dayuhan ay isang krimen, at dapat patawan ng mabigat na parusa ang sinumang may pakana nito. Hanggang sa pagsulat nito wala pang tugon ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o Department of Foreign Affairs. Sa ngayon ang mabibigyan lang ng Pasaporte ay ang magbibigay ng patunay ng kapanganakan na pinanganak na Pilipino o birth certificate.

Maraming dayuhan, lalo na ang nagtatrabaho sa mga POGO ang naglalaway na makakuha ng pasaporteng Pilipino. Ito ay upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan bilang Insik, at pangalawa upang magsagawa ng mga bagay na labag sa seguridad ng ating bansa. Is lang ang masasabi ko. Ang nagbebenta ng ating pasaporte ay mga taksil na dapat balatan ng buhay sa kalye. Sampu ng kanilang mga kasapakat. Pilipino man o banyaga.

***



Mga Harbat Sa Lambat: “Today, justice prevails, but the pursuit of truth, justice and accountability continues. Senator De Lima will soon be free, but the battle is far from over. The individual most accountable for this grave injustice must be held responsible…” – Rafaela David, pangulo, Akbayan

“Duterte will never be opposition. He is a traitor. He parroted every narrative the CCP asked of him… He is an opportunist who took advantage of the weak using force and fear… He is a misogynist who silenced his critics, particularly strong women who opposed him…” – Kiko Rustia, netisen, kritiko

“I am the Davao Death Squad. That is true. That is true…” – Rodrigo Duterte, dating pangulo

“Hindi na ako magsasalita sa Senado…” -Senator “Bato” de La Rosa

***

mackoyv@gmail.com