Advertisers

Advertisers

‘Dear SV’ patuloy ang adbokasya ng pagtulong sa paglipat sa GMA

0 14

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI naiwasan ni Tutok to Win Party-list Rep. at TV host Sam Verzosa na mapaiyak sa matinding emosyon nang mapanuod ang mga nakalipas na episodes ng kanyang public service program na Dear SV.

Sobrang sarap anya sa kalooban ni Sam na makatulong sa ating mga nangangailangan na kababayan.
Lalo pang naragdagan ang saya ni Sam na simula nitong Nov. 18, 2023 ay lumipat na ang Dear SV sa GMA 7 matapos ang ilang buwan na pananatili sa CNN Philippines.
“I’m so grateful to my first home network for giving me the opportunity to venture into TV hosting,” tsika ni Sam sa solo presscon.



Para kay SV, ipinagmamalaki anya niya ang ginagawang public service program at nae-expose siya sa mga totoong kuwento ng mga tao. Isa sa mga di malilimutang enkuwentro ni Sam ay sa isang 86-anyos na si Lola Fedeng na ang kinabubuhay ay ang pagiging pedicab driver.
“To me that was really an eye opener. Imagine, Lola Fedeng still works at her old age. She actually represents the majority of Filipinos who belong to the poverty line, but are still working hard to make both ends meet. Her story is really inspiring. That’s what we want to share—to inspire more,” anya pa.
Dinagdag pa ng politician-host na marami umano siyang naranasang una sa kanyang buhay sa pamamagitan ng Dear SV show gaya ng pagpepedal ng pedicab, paglilinis ng isda sa palengke at iba pa.
Natanong din si SV hinggil sa pagsasama na nila ng gf na si Rhian Ramos sa iisang network, ang Kapuso station.

Sey nga ni Sam, masaya anya na nasa ilalim na sila ni Rhian sa iisang bubong at marami rin daw naipapayo sa kanya ang actress-gf sa hosting.
Gayundin, idiniin ni Sam na hindi pa anya sila naglive-live in ni Rhian at magkaiba pa rin daw sila ng tirahan. Pero sinabi naman nito na napag-uusapan na rin nila na i-level up ang kanilang relasyon sa hinaharap.

Gayundin, binibigyan umano ng prayoridad ng Dear SV hindi lang ang mga indibidwal kundi pati mga komunidad para mapaunlad at mapaangat pa ang kanilang kondisyon sa buhay.
Ang Dear SV ay napapanuod tuwing Sabado, 11:30 ng gabi sa GMA.