Advertisers

Advertisers

HINDI UMUURONG SA PAGTULONG

0 16

Advertisers

NOONG Biyernes (Nobyembre 17) ng hapon ay ginulantang ang malaking bahagi ng Mindanao partikular ang mga lalawigan ng Saranggani , South Cotabato at iba pang kalapit na lugar ng magnitude 7.2 na lindol.

Dahil sa lakas ng pagyanig ay maraming mga kabahayan at mga istraktura ang nasira kaya naman libo-libong mga kababayan natin doon ang nawalan ng mga tirahan at iyong iba naman ay lubhang napinsala ang mgakabahayan.

Habang sinusulat ang kolum na ito ay walo na ang kumpirmadong nasawi, habang marami pa ang mga ginagamot at nasaktan dahil sa pangyayari.



Libo-libong mga pamilya ang nasa ibat-ibang mga evacuation center na nangangailangan ng agarang tulong tulad ng pagkain, personal hygiene kits, gamot at marami pang iba.

Kaya naman mabilis na kumilos ang ibat-ibang mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng DSWD, DILG at iba pa para maghatid ng agarang tulong sa libo-libong mga naapektuhang pamilya.

At isa mga unang nagpahatid ng tulong sa mismong mga aktwal na lugar na nilindol ay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ilang oras pa lang matapos ang lindol ay nagpahatid na agad ng tulong ang PCSO sa mga biktima partikular sa mga lalawigan ng Saranggani , South Cotabato, General Santos City at iba pang lugar.

Sa utos ni PCSO GM Mel Robles ay nagpadala agad ang mga branch office nila katuwang ng mga small-town lotto operators ng mga food packs, at medisina para sa mga nasaktan , mga bata, at may mga sakit.



Naglaan din ng calamity fund ang ahensya para suportahan at tulungang makabangon muli ang mga residente sa mga komunidad na sinira ng lindol.

Nag-alok din ang PCSO ng medical assistance para sa mga nasaktan at naka-confine sa mga hospital dahil sa sakuna sa ilalim ng Medical Assistance Program nila.

“Our deepest concern lies with the families affected by the earthquake. Through our close collaboration with local government units, we aim to ensure that these families receive the necessary assistance during this challenging time,” sabi ni GM Robles.

Dahil sa mabilis at agarang pagpapahatid ng tulong ng PCSO ay masasabi natin na talagang totoo ang kanilang motto na “hindi umuurong sa pagtulong” at hindi isang slogan lang.

Kaya naman sana ay mapanindigan din ng ibang mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga slogan at totoong ginagamit nila ito para magtrabaho para sa bayan.

Abangan!