Advertisers

Advertisers

Kawatan arestado sa Bulacan

0 6

Advertisers

Naaresto ng mga tauhan ng Bustos pulis ang dalawang katao na kapwa sangkot sa kasong robbery sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Bustos, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Relly Arnedo. nakilala ang mga suspek na sina Joel Aquino y Clara, 45; at Lilibeth Saavedra y Villiaris alyas Lovely, 35 anyos. kapwa residente ng Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan.
Nasukol ng mga pulis ang dalawang suspek lulan ng kulay itim na motorsiklo, sa Brgy. Malamig sa nabangit na bayan.

Makaraang humingi ng tulong ang biktimang si Mark Anthony Castro, na tinutukan ng patalim o jungle knife, ng isa sa mga suspek, habang nasa cellphone shop, na una nang nagpanggap na costumer o bibili ng cellphone.

Nakumpiska sa dalawa ang isang motorsiklo 5 cellular phones at isang maliit na jungle knife.



Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong Robbery at Illegal Possession of Deadly Weapon in relation to Omnibus Election Code.(Thony D. Arcenal)