Advertisers
Sinampahan na ng kasong kriminal ang isang illegal recruitment agency nang mangako ng trabaho sa Italy kapalit ng P180,000 placement fee ng bawat aplikante.
Inihain ang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) nang lumantad sa ahensya ang 48 indibidwal na taga-Cavite at Batangas na nabiktima ng Alpha Assistenza SLR.
Ipinaliwanag ng NBI, ibinasura ng Italian Embassy sa Pilipinas ang visa applications ng mga aplikante dahil sa pekeng “nulla osta” o work permit na ibinigay sa kanila ng Alpha Assistenza.
Nitong nakaraang buwan, naghain ng resolusyon si Senator Raffy Tulfo sa Senado na humihiling na imbestigahan ang illegal recruitment scheme ng agency na bumiktima na ng mga Pinoy na naghahangad na magtrabaho sa Italy.
Sa Senate Resolution 816, binanggit ni Tulfo ang mga opisyal ng Alpha Assistenza na sina CEO Krizelle Respicio at Frederick Dutaro na naniningil ng malaking halaga bilang placement fee para sa mga alok na pekeng trabaho sa Italy.(Jocelyn Domenden)