Advertisers
Naghimutok sa social media ang CEO na si Rosmar Tan nang malimas ang laman ng kaniyang BPI account ng ‘di niya alam.
Saad ni Rosmar, “Akala ko ba secured sa BPI? Anyare?”
Sa ‘di malaman na kadahilanan, napalitan umano ang cellphone number na naka-link sa kaniyang online banking.
Registered umano ang online bank niya sa isang Flare 7 at nag-transfer sa Eastwest Instapay ng P500,000. Imposible umanong mangyari ito dahil iPhone 15 Pro Max ang teleponong gamit niya.
Nang subukan niya umanong i-log in ang kaniyang account, disabled na at hindi na rin umano niya magawang i-reset ito dahil iba na ang naka-register na numero.
Dagdag pa ni Rosmar, “Nung tumawag ako sa hotline. meron daw akong ATM card, which is never kong nakuha kasi checking account ko ‘yan tapos panay pang ako online banking.”
Ani naman umano ng BPI, may nagsara ng kaniyang ATM Card na ayon naman kay Rosmar hindi naman siya nagkaroon.
Saad niya, “Never ko nakuha sa BPI brancj of account ko.”
Sabi umano ng BPI San Pablo, hindi sila nagde-deliver ng ATM Cards at for pick up lamang sila.
“Sinong nag-pick up? kung ‘di ko na-pick up? Sinong gumamit? Sabi ng hotline ng BPI ang only chance lang daw na mapalitan ang cellphone number na naka-link sa online banking is ‘yung ATM card. so meaning nakanino ang ATM card ko?” Hinaing pa ni Rosmar.
Nagbanta naman si Rosmar sa kung sino man ang may salarin sa pagkuha ng kaniyang pera na paniguradong ipakukulong niya ito.