Advertisers

Advertisers

Most Wanted Person sa Caloocan, timbog

0 9

Advertisers

Most Wanted Person sa kasong kidnap for ransom naaresto ng Caloocan PNP-NPD sa bisa ng warrant of arrest habang nakapiit sa kulungan sa kasong illigal drugs.

Kinilala ni Caloocan Police Chief PCol. Ruben Lacuesta ang akusado na si alias Michael, 48 ng Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Napasakamay ng Caloocan City Police Station ang tinaguriang Most Wanted Person sa bisa ng warrant of arrest.



Sa ulat, 2:00 ng hapon sa Caloocan City Jail Facility, Talimusak, Kaunlaran Village, Caloocan City inihain sa akusado ang warrant ng Intelligence Section katuwang ang Northern NCR Maritime Police Station makaraan ang isinagawang manhunt operations laban sa mga wanted persons.

Inisyu ni Hon.. Jaime T. Hamoy, Judge, RTC Branch -130, Caloocan City ang warrant of arrest noong June 23, 2004, para sa crime of Kidnapping ng isang Minor in relation to R.A. 7610 with Ransom sa ilalim ng Article 267. of the Revised Penal Code.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa Caloocan City Jail Facility, na may kasong paglabag sa Section 11, Article ll, of R.A. 9165 (Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)