Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAY mga tattoo si Beauty Gonzalez na ayon sa aktres ay sinimulan niyang ipalagay noong siya ay disisais anyos pa lamang.
Kaya tinanong namin ang aktres kung ilan lahat ang kanyang tattoo sa katawan.
“Five, six?”
Lahat daw ng tattoo niya ay paborito niya.
“Wala naman akong hindi ko gusto,” wika pa ni Beauty.
May isa lang daw na pinagsisihan niya.
“Yung sixteen years old ako, yung butterfly kasi lahat may butterfly,” at tumawa si Beauty.
Tumanggi naman ang aktres na ipakita ang naturang butterfly tattoo.
“Makikita na yung panty ko!” Bukod sa kanyang butterfly tattoo ay pina-enumerate namin sa kanya ang iba pa.
“The name of my mom, it’s Carina Brenda Luche, Cabrel; my Bambi.”
Si Bambi ang sikat na Disney cartoon character na isang deer at kuwento ni Beauty, Bambi ang second name ng mister niya.
Rebelasyon pa ni Beauty, “It’s Norman Bambi Crisologo. I know it’s funny, right? Sabi ko, ‘Ano kayang nakain ng parents mo bakit naging Bambi ka’, at muling tumawa si Beauty.
“My fourth is this one, it’s nothing, it’s just something I thought of,” sinabi ni Beauty habang ipinapakita ang tattoo niya sa kanang bahagi ng likod niya na malapit sa kanyang dibdib ng isang batang babae walang ulo na may hawak na tila lobo nguni’t sa halip na lobo ay ulo nito ang nakakabit sa tali.
Ang panlima niyang tattoo ay disenyo ng kambal na nilalang.
“Coz I’m a Gemini,” saad pa ni Beauty na gumaganap bilang si Farrah sa Stolen Life ng GMA with Carla Abellana bilang si Lucy at Gabby Concepcion bilang si Darius.
Sa direksyon ni Jerry Sineneng, nasa cast din ng Stolen Life sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.
Napapanood ang Stolen Life Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.
***
RIKKI MAE BLANCO SABAK NA RIN SA SHOWBIZ
BAGONG talent ng Artist Circle talent management ni Rams David si Rikki Mae Davao, ang anak nina Jackielou Blanco at Ricky Davao.
Paano nagtagpo ang landas nina Rikki Mae at Rams?
Lahad ni Rikki Mae, “Actually I’ve been really trying po to enter showbiz since the pandemic kasi parang na-realize ko na, you know di ba nung pandemic madami tayong mga napapag-isipan?
“And I think at the back of my mind I was always curious or interested pero natatakot lang ako mag-try.
“So nung pandemic sabi ko, ‘Wala na, ito na ‘to, e.’
“So why not just, you know try to put myself out there?
“So nagwu-workshop na ako, I’ve been auditioning for mga commercials, and then I saw Tita Shyr’s post so minessage ko siya, kinuwento ko lang.”
Talent ng Artist Circle management ang character actress na si Shyr Valdez at sa mga post ni Shyr sa kanyang social media account nakita ni Rikki Mae na alaga ito ni Rams.
Pagpapatuloy ni Rikki Mae, “Tapos sabi niya, ‘Oh I’ll introduce you,’ to Sir Rams, and then iyon, ganun yung naging introduction ko sa Artist Circle.”
Kamakailan ay napanood si Rikki Mae sa Family Feud with her mom Jackielou, sister Arabella Davao (na talent naman ng Star Magic) at pinsan na si Diego Gutierrez na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Acting at hosting ang sasabakang genre ni Rikki Mae sa showbiz.
“Iyon yung talagang gusto kong subukan,” saad ng baguhang artista. “So siyempre medyo may pressure iyon kasi alam mo na, yung mga nakapaligid, yung mga family, pero okay lang at least I have people to ask advise from.”
Nabibilang sa pamilya ng showbiz royalty si Rikki Mae; bukod nga sa mga magulang niya na parehong artista at direktor ay lola niya ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, lolo niya ang dating aktor na si Charlie Davao, tiyahin niya ang dating aktres na si Mymy Davao, tiyuhin niya ang dating child actor na si Charlon Davao, tiyuhin niya si Ramon Christopher at pinsan naman niya sina Diego at Janine Gutierrez.