Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL nasa lock-in shooting si Barbie Imperial at ina nito ay labis ang pag-aalala ng aktres sa tatlo pang kaanak na naiwan sa Catanduanes.
Nag-worry nang ma-watch ang pagsalanta ng bagyong Rolly sa Albay kaya ganun na lamang ang kaba nito.
Never pa nga kumokontak ang mga kaanak na naiwan sa Catanduanes dahil ang Bikol ang sentro ng bagyong Rolly.
May mga netizen na nagpalakas loob kay Barbie na baka nga raw na-lobat at walang kuryente sa lugar nung kasagsagan ng pag hagupit ni Rolly kaya di nakapag-text ang mga kaanak.
Sa kabila na may mga positibong comment ang netizens ay hindi pa rin maialis kay Barbie ang pag-aalala sa 3 miyembro ng pamilya.
Text lang naman o magparamdam ang kanyang mga kapamilya para nga raw ang agam-agam at pag-aalala ng aktres ay maibsan.
Dahil baka nga raw sa pag-aalala nito ay maapektuhan ang kanyang trabaho.
***
Kahit may intrigang kinahaharap…
Angel tumulong sa biktima ng kalamidad
SA pagiging maagap o aksyon agad sa pagtulong si Angel Locsin kaya ito hinangaan ng masang Pinoy lalo na kung may kalamidad.
Wala naman itong keber sa isyung ikinakabit sa kanya ang red tagging.
Hindi naman naging hadlang ang kontrobersya na kinakaharap nito para umaksyon ito sa nangangailangan.
Madali na nga raw matulungan ni Angel dahil gumawa ito ng page para sa mga tutulungan na biktima ng kalamidad.
Typhoon Rolly Action Initiative naman ang page na puwedeng puntahan ng mga taong grabeng naapektuhan ng bagyo.
Magse-send ng video o picture na naapektuhan sa bagyong Rolly.
Kaya nakakuha na naman ng maraming papuring komento si Angel sa netizens dahil sa patuloy na pagtulong nito sa nangangailangan.
Ayon sa sitsit na hindi ito titigil sa pagtulong kahit pa mabago na ang status nito o mag-asawa na.
Samantala, naabsuwelto naman si Angel at wish ng kampo nito na tuluyan nang mawala ang haka-haka na kasapi ito sa makakaliwang grupo.
Well, well, well… ‘Yun na!