Advertisers
Nadakip sa Tondo, Maynila ang 18-anyos na lalaki na nanggahasa at pumatay sa 6-anyos na batang babae sa Naic, Cavite noong nakaraang taon.
Kinilala ang nadakip na si Serge Mangampo.
Sa ulat, nahuli ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nitong Miyerkules ng gabi, sa bisa ng warrant of arrest.
Ayon sa report, 16-anyos pa lang si Mangampo nang gahasain, patayin at saka inilagay sa plastic bag ang batang biktima sa Naic.
“‘Yung last na nakitang kasama ng bata bago siya nawala ay ‘yung suspek na naaresto natin. Nu’ng hinanap na siya ng mga kapulisan, tumakbo po ‘yan dito sa may Tondo, doon na siya nagtago,” sabi ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas.
Nahuli si Mangampo ng mga awtoridad nang manmanan dahil sa ilegal na droga.
“Kasi itong si Serge, karakter nito pasaway. Palaging nire-report ng mga kapitbahay na nanggugulo at nai-involve sa mga small-time drugs at tsaka user,” dagdag ni Sinas.
Ikinagalak ng ama ng biktima ang balitang nadakip na ang suspek, na umpisa ng pagkamit nila ng hustisya.(Gaynor Bonilla/Jocelyn Domenden)