Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NAKABIBILIB ang relasyon nina Shaira Diaz at EA o Edgar Allan Guzman na sampung taon na ngayon.
Ano ang sekreto ng kanilang relasyon?
“Siguro ano na lang po talaga, pagkakaroon ng open communication po,” umpisang sinabi ni Shaira.
“Nandiyan yung trust, nandiyan yung love, pero yung communication and yung pagiging open, yung honesty din and yung pagiging understanding ng bawat isa, iyon po.
“Kasi marami na rin kaming ups and downs ni EA e, nasubok na din kami, pero dahil gusto namin… we choose to stay, we choose to be in love with each other, kaya po siguro nagtagal din kami ng ganito.
“Kasi kahit may mga flaws yung bawat isa, tanggap namin yung isa’t isa,” nakangiting wika pa ni Shaira.
Kaya wala siyang takot o kaba, lalo pa nga at nakalulungkot na tila uso sa showbiz ang hiwalayan.
“Alam ninyo po, hindi namin iniisip yun, hindi namin inihahalintulad yung relasyon namin sa iba.
“Kasi sure na kami sa ano e, sure na kami sa isa’t isa, yung pagiging consistent ni Edgar na maalaga sa akin, maintindihin, iyon yung pinanghahawakan ko sa kanya, kaya hindi kami natatakot and sine-secure namin yung isa’t isa talaga po,” sinabi pa ni Shaira na mapapanood sa Lovers/Liars bilang si Nika Aquino.
Pinagbibidahan ni Claudine Barretto bilang Via Laurente, nasa cast din ng Lovers/Liars sina Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Kimson Tan bilang Kelvin Chong; Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea “Andeng” Segreto; Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso; Polo Ravales bilang Ronnie Sandiego; at Yasser Marta bilang Caloy.
Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.
***
ISA sa mga host ng Glitter Entertainment Chatter Show si Miyuki de Leon.
Ito ay isang bagong online showbiz talk show na kapareho ng mga talk shows noong araw tulad ng StarTalk, The Buzz, Showbiz Central at iba pa.
Pero dahil bata pa siya at hindi na marahil niya inabutan ang mga nabanggit na programa, tinanong namin si Miyuki kung ano ang magiging challenge nito sa kanila bukod siyempre sa kailangang magaling sila na mag-host at marunong mag-deliver ng mga balita mula sa lahat ng sulok ng showbiz.
Lahad ni Miyuki, “For me the biggest challenge po siguro right now is making sure that the audience can relate, hindi lang yung sa GenZ.
“Kasi hindi lang sila yung sa makakausap ko or hindi lang sila yung makaka-relate once I talk, also the older generations, especially right now sa social media, kasi lahat may access.
“So gusto ko sana yung mga viewers po namin na mga manonood, once i-launch na namin itong show, is lahat sila mag-enjoy and lahat sila is maka-relate sa mga pinag-uusapan namin.
“And I hope na ma-feel nila yung authenticity thru every episode. I think it’s not something that you can learn overnight, it’s definitely a challenge, pero I’m very willing to learn sa mga nakakatanda po sa akin and sa mga nauna na po sa industriya,” dagdag pang paliwanag ni Miyuki.
Ang creator at director ng Glitter Entertainment Chatter Show ay ang actor-turned-director na si Perry Escaño.
Main host ng show sina Aya Fernandez at ang Gleam artist at NET25 StarKada singer, actress at host na si Sofi Fermazi at ang kapwa niya Gleam talents na sina Nicky Gilbert at Celyn David na mga actress/host at modelo rin.
Magsisilbing co-hosts naman ng show bukod kay Miyuki, ang mga NET25 Star Center artists na sina Bo Bautista, at Via Lorica.
Mapapanood tuwing Linggo, ang premiere ng Glitter Entertainment Chatter Show ay live sa Glitter Channel Facebook Page ngayong December 3, 2023 (Sunday) 4:00 p.m. hanggang 5:30 p.m. kung saan special guest sina Ara Mina at ang showbiz Guru na si Aster Amoyo.