Advertisers
SUMALUBONG ang isang matinding dagok sa SMNI, isang network station na pagmamay-ari ni Apollo Quiboloy. Sa isang programa nito kung saan si Jeffrey Celis at Lorraine Badoy ay mga anchors, nakatanggap si Celis ng impormasyon na umabot sa P1.8 bilyon ang ginastos ng opisina ni Speaker Martin Romualdez sa mga biyahe. Pinabulaanan ito at pinatunayan ng Kamara na ang ginastos ng opisina ni Speaker Romualdez sa biyahe ay umabot lamang ng P4.3 milyon. Ang naging gastos sa mga biyahe ng buong Mababang Kapulungan ay P35.3 milyon. Ayon kay Celis, ang impormasyon na nakalap niya ay galing umano sa isang empleyado ng Mababang Kapulungan na ayaw niyang pangalanin.
Ayon sa Sec. 4 ng RA 11422, ang grantee (Swara Sug Media Corporation na nagmamay-ari sa SMNI na pagaari din ni Quiboloy) ay sang-ayon sa mga etikal at makatotohanang patakaran ng makatotohanang pamamalakad, at hindi gagamitin ang kanilang estasyon at mga pasildad sa pagkalat ng mali at huwad na impormasyon na ikasasama sa publiko. Samakatuwid may mga paglabag na ginawa ang SMNI, ayon kay Alvin Blanco, deputy-commissioner ng National Telecommunications Commission.
Ito ay humantong sa hearing ng sa Kongreso. Masasabi ko na double-whammy ito dahil may isa pang kaso si Quiboloy na hinaharap sa America, at ito ay isang federal offense, kaya dahil dito ay wanted siya ng FBI. Ang nakikita po ng inyong abang lingkod na pangunahing dahilan ay naka-umang na ang kampo ng punong tagapagsalita ng Mababang Kapulungan na tumakbo sa pagka-pangulo. Isang dahilan din sa pag-asim ng alyansya nila sa UniTeam, na nagbunga sa pagtawid-bakod ng maraming DDS sa bakod ng mga maka-Marcos.
\Ang makakatunggali nito ay walang iba kundi si Sara, pangalawang pangulo,at anak ng dating pangulo na serial killer president Rodrigo Duterte. Si Apollo Quiboloy ay kasapakat ni serial-killer presdent Duterte, kung susuriin pa ng mabuti, may koneksyon ang lahat ng ito. Para po ito palabas na “Connections” programa ng BBC ni James T. Burke. Sa umpisa ay tila magulo, pero sa huli nagtatagpi-tagpi ang mga salaysay at pangyayari at nagkakaroon ng liwanag. Ang pagpasok ng ibang amuyong sa kuwento ay nakakadagdag lang sa kulay at abubot at kalat. Harinawa, kumupas at malusaw ng tuluyan ang pinahid nilang kulay na madumi, at, sa sabay-sabay na pag ihi natin sa pader ng opinyon. Hindi malaon na kukupas agad ito. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
JokTaym c/o Mariz Hidalgo:
HOLDAP!!!
LOLA: Amang wala akong pera…
HOLDAPER: Alam ko kung nasaan ang pera mo!!! (Sabay pasok ng kamay sa bra ni lola)
LOLA: Ituloy mo iho, may dollars pa sa ibaba!!!
***
Wika-Alamin:
MATALNGANA- Salitang Magindanao na ang ibig sabihin mahilig sa libre. Kapag ginamit sa salita: “Su tao a matalngana a masingit, ” ibig sabihin: “Ang taong hindi marunong gumastos ng pera kahit sa sarili ay makasarili…” Daghang salamat kay Sugo Sahid Sinsuat Glang sa pagturo sa atin.
***
Wika-Alamin(reloaded):
PUPUR: salitang Batangas na tawag sa sinakutsang taba na gagawin sitsaron at mantika. Kapag ginamit sa salita: “binukod ng Tatay ang taba ng kinatay na baboy upang gawing pupur…”
***
mackoyv@gmail.com