Advertisers

Advertisers

‘FOURTH QUARTER STORM’

0 36

Advertisers

MULING bubuksan sa susunod na taon ang gumuhong usapan pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Philippines (GRP) at National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NDF-CPP-NPA). Wala pang malinaw na petsa ang peace talks sa magkabilang panig bagaman maaaring buksan ito sa Oslo, kabisera ng Norway, ang bansang nagmagandang loob na tustusan ang usapan pangkapayapaan.

Pangungunahan ni Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista (retirado) ang GRP team na haharap kina Luis at Connie Jalandoni at Juliet Sison, ang mga lider ng NDF-CPP-NPA na pawang nakabase sa Utrecht, the Netherlands. Si Juliet Sison ang asawa ng namayapang Jose Ma. Sison, founder ng CPP at pangunahing NDF consultant na itinuturing maimpluwensiyang lider ng kilusang nanguna sa armadong pakikibaka kontra sa gobyerno. Namatay si Sison sa edad 83 noong ika-16 ng Disyembre, 2022 sa Utrecht.

Dating DSWD secretary si Bautista sa ilalim ng administrasyon ni Gongdi.Naging commanding general ng Army, commander ng Joint Marawi Task Force sa Battle of Marawi, at hepe ng Presidential Security Group. Hindi malinaw kung sino ang makakasama ni Bautista sa GRP. Hindi malinaw ang mga paksa sa peace talks, ngunit maaaring repasuhin ang mga naiwang paksa noong 2017.



Bumagsak ang peace talks noong 2017 dahil hindi nagkasundo ang dalawang panig. Planong buhayin noong 2019, ngunit hindi seryoso si Gongdi sa muling pagbubukas kaya tuluyan na itong naglaho. Tinangka na muling buhayin ang peace talks noong Nobyembre sa ilalim ng gobyerno ni BBM.

Inutusan ni BBM ang isang kasapi ng kanyang Gabinete na magkaroon ng backchanneling sa Oslo upang kausapin ang panig ng mga rebelde sa bagong peace talks. Positibo ang resulta ng bagong pagtatangka at pumayag ang NDF-CPP-NPA. Mapapabilis ang muling pag-uusap dahil mukhang kapwa desidido ang magkabilang panig na wakasan ang communist insurgency na bumagabag sa bansa sa nakaraang mahigit 50 taon.

Hindi lahat natutuwa sa pag-uugnayan ng dalawang panig. Hindi natutuwa ang mga pwersa sa Filipinas. Hindi natuwa ang AFP kahit naintindihan ang peace talks ay pinagpapasyahan ng political leadership. Hindi natutuwa ang kilusang rebelde sa bansa kahit apektado ang liderato ng CPP-NPA a pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon noong ika-22 ng Agosto ng taong ito sa Samar. Abangan ang susunod. Marami pang mangyayari.

***

NAGDALAWANG isip kami sa titulo ng kolum namin noong Sabado – “Fourth Quarter Democratic Reforms.” Mahaba at kulang sa libog sa aming tingin. Mas angkop ang “Fourth Quarter Storm.” Sa aming pakiwari, mistulang binagyo ang sindikato ng Inferior Davao sa takbo ng mga pangyayari. Hindi akalain ni Gongdi, Sara, Bato, Bong Go, at Robin na may alas ang gobyerno ni BBM kontra sa kanilang maniobra.



Tinanggal ang P650-M sa confidential at intelligence fund ni Inday Siba sa panukalang 2024 national budget, pinakawalan si Leila de Lima sa bisa ng piyansa na inilagak sa husgado, hindi nagbaba ng anumang executive order, memorandum, o tagubilin si BBM upang pagbawalan na pumasok ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC), at hindi pinaporma ang China sa kanilang pagmamalabis sa West Philippine Sea. Ilan lamang ito sa mga pagbabago upang isulong ang demokrasya sa bansa.

***

ITO ang aming sagot sa isang kaibigan na humingi ng aming kuro-kuro hinggil sa pahayag ng gobyerno sa tungkol sa kabiguan ng mga kaanak ng mga biktima ng EJK na hindi magsampa ng sakdal laban sa mga pasimuno ng EJKs sa hukuman sa bansa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit pumasok ang ICC sa bansa ay dahil sa prinsipyo ng complementarity.

Bumagsak ang sistema pangkatarungan ng bansa upang imbestigahan, usigin at pananagutin ang mga tao na nasa likod ng EJKs sa ilalim ng madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi. Nawala sa eksena ang pulis at ang hukuman. Hindi gumawa ng maayos na siyasat ang mga pulis. Walang maayos na spot at follow up report sa mga patayan.

Dahil walang maayos na ulat ang mga pulis, wala naisampa ng maayos sa mga hukuman. Bihira ang mga sakdal na sumulong sa husgado at labis na kakaunti ang mga naparusahang pulis kung ihahambing sa dami ng mga EJKs. Umabot lampas 6,000 ang mga EJKs, ayon sa datos ng PNP. May mga pagtaya na abot sa halos 30,000 ang mga pinatay ng ng mga grupo ng mga pulis at vigilante. Pinatay sila dahil pinaghinalaan adik o tulak ng droga.

Nandiyan ang prinsipyo ng jurisdiction. Ikinatwiran ng gobyerno ng Filipinas sa pamamagitan ng DoJ na walang poder ang ICC na pumasok sa Filipinas dahil tumiwalag ito noong 2019 sa Rome Statute, ang tratadong ng maraming bansa na bumubuo sa ICC. Hindi ito kinatigan ng ICC dahil sakop ang Filipinas ng tratado mula 2011, ang taon na sinang-ayunan ito sa Senado, hanggang 2019 ng tumiwalag ang bansa batay sa desisyon ni Gongdi. Tuloy ang formal probe ng ICC kay Gongdi at kauri hanggang tuluyang sila na mausig.

Nagdesisyon ang ICC noong 2021 na itaas sa formal investigation ang sakdal na crimes against humanity na isinampa nina Sonny Trillanes, Gary Alejano, National Union of People’s Lawyer (NUPL), at ibang grupo sa ICC. Dalawang beses na naghain ang gobyerno ng apela at inihain ang mga apela ng DoJ. Tinanggihan ang dalawang apela.

Unang tinanggihan ang apela ng Pretrial Chamber ng ICC noong ika-26 ng taong ito. Muling umapela ang DoJ at tinanggihan ng Appeals Chamber ng ICC ang pangalawang apela. Magkaiba ang Pretrial at Appeals Chamber ng ICC. Binubuo ng tatlo katao ang Pretrial Chamber at lima katao ang Appeals Chamber na nagsisilbing pinakahuling sangay na nagdedesisyon sa mga apela. Hindi ito nalalayo sa korte suprema.

Hindi na nagsampa ng pangatlong apela ang gobyerno ng Filipinas. Nagmumukha na itong katawa-tawa sa world community kung magsusumite ito ng pangatlong apela. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni BBM na pinuputol na ng gobyerno ng Filipinas ang pakikipagtalastasan sa ICC. Wala na kasing pag-uusapan. Ito ang hindi naunawaan ni Inday Siba. Mukhang hindi niya binasa ang mga ulat at desisyon tungkol sa dalawang apela. Sa maikli, wala ng balakid upang ituloy ng ICC angf formal investigation kina Gongdi at mga kasapakat kasama si bato dela Rosa, Bong Go, Jose Calida, Alan Peter Cayetano, Dick Gordon, at iba pa.

Isinama ang mga detalye sa aming aklat “Kill, Kill, Kill Extrajudicial Killings in the Philippines; Crime Against Humanity vs Duterte Et Al.” Kasalukuyang iniimprenta ang kopya na aming libro at lalabas ang mga kopya sa susunod na araw. Teka muna, nakalimutan kong sabihin na maraming pamilya ang tinatakot at binili upang huwag magsampa ng reklamo sa ICC at kahit sa husgado dito. May mga narinig kami na kinabit ng ilang pulis ang mga biyuda ng mga biktima ng EJKs.

***

MGA PILING SALITA: “ICC is not just about the Law, but a test of courage if Duterte really has it, & the test of the machismo he flaunts. But the way he feels the tremor whenever he hears of the name, ICC is about to expose the naked reality that Duterte & his henchmen are plain chicken.” – Jed Q Cepe, netizen, critic

“It’s misplaced machismo. That’s all what it’s all about. Somehow Duterte thinks he represents that ‘devil-may-care’ attitude common to the brute element of our male population. He will get his comeuppance in due time.” – William John Balderrama, netizen