Advertisers

Advertisers

Bagong upong tserman kulong sa mga baril, bala at granada

0 10

Advertisers

KULONG ang isang bagong upong barangay kapitan nang mahulihan ng mga baril, bala at granada sa search and warrant operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahay nito sa Purok 5, Barangay Bariw, Libon, Albay.

Kinilala ang dinakip na si Ariel Cabatingan Abbas, 49 anyos, may-asawa, chairman ng naturang barangay.



Sa ulat ng CIDG-Albay, ilang residente ang nagsumbong sa kanilang opisina hinggil sa pagpapaputok ng baril ni Abbas.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Vice Executive Judge Amy Ana De Villa Rosero ng Ligao City Regional Trial Court, sinalakay ng CIDG katuwang ang Libon Police, 1st Albay Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Regional Mobile Force Battalion 5, Regional Intelligence Division-Special Operation Unit, Explosive Ordinance Division, at Maritime 5,  ang bahay ni Abbas 3:11 ng hapon.

Hindi na nakapangatwiran si Abbas nang arestuhin nang makuha sa loob ng kanyang bahay ang isang kalibre .45 baril, isang granada, mga bala at magazine ng KG9 assault rifle, M16 armalite rifle na lahat ay walang dokumento.

Sinampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives si Abbas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">