Advertisers

Advertisers

TAPE, Kakapit sa Patalim?

0 33

Advertisers

Ni NICK NANGIT

NGAYON lamang linggong ito, lumabas ang pasya ng Adjudication Officer (AO) ng IPOPhil hinggil sa Trademarks ng Eat Bulaga at EB.

Ayon sa AO, kinansela na ang Certificate of Registration (CoR) ng TAPE, Inc. sa nasabing trademarks. Natanggap na rin ng dalawang nagtatalo – sina Tito Vic at Joey (o TVJ) at TAPE (ni Jalosjos) – ang nasabing pasya.



Kung ating babalikan ang proseso sa rehistrasyon ng trademarks, may pagkakataon ang sinumang aplikante na irehistro ang uri ng kanyang hawak na marka. Pipili siya kung Word Mark ito, 3D Mark, atbp.

Bukod pa riyan ay pipili rin siya kung ano ang saklaw ng kanyang aplikasyon. Ito ba ay sa mga gamit o sa serbisyo, saka niya pupunuin ng detalye ang mga dokumento ng aplikasyon. Isasama niya ang kanyang estado. Siya ba o ang kompanya niya ay isa lamang maliit na aplikante o malaki? Idedeklara rin niya ang aktuwal na paggamit ng trademark, at magbabayad ng kaukulang singil. Mura lamang ito.

Pagkatapos niyan ay susuriin ang kanyang aplikasyon. Ilalathala yan para bigyan ng pagkakataon ang sinumang tututol dahil umano’y nauna na ito. Tapos, magpapasya ang ahensya kung sino ang karapat-dapat na bibigyan ng CoR.

Ang nangyari kasi, nitong Agosto lamang ay binigyan ng CoR ang TAPE. Kaso, tumutol sina TVJ.

Isinalang sila ng Bureau of Legal Affairs (BLA) ng IPOPhil sa compulsory mediation. Dahil hindi sila nagkaayos, itinuloy sa adjudication.



Nagkaroon ng pagdinig. Nagbigay ng kani-kanilang ebidensya ang dalawang partido. Kinilatis ito at pinasumite sila ng position papers. Ang kinalabasan ay yung pasya nga na kanselahin ang sa TAPE at ibigay sa TVJ.

Anong trademarks ba ang pinag-uusapan dito

Yung kinansela ay ang trademarks sa NICE Classes 16, 18, 21, at 25. Ibig sabihin ay TVJ na ang may karapatang gumamit at magtatak ng Eat Bulaga at EB sa mga gamit, gaya ng bag, payong, kubyertos, at sapatos.

E paano naman ang trademark sa TV?

Nag apply na rin pala si Joey de Leon ng trademark sa NICE Class 41 o entertainment, at ibinigay na sa kanya ang nasabing CoR. Walang rehistrasyon dito ang TAPE.

Ngayon, tapos na ba ang laban?

Hindi pa, kaya huwag muna magbunyi. May punto si Paolo Contis.

Ayon ulit sa proseso ng IPOPhil, pwedeng umapela ang TAPE sa Director ng BLA sa loob ng 15 araw mula nang matanggap nito ang pasya ng AO. At ang anumang magiging pasya ng nasabing Director ay pwede pang iapela sa Director General (DG) na ng IPOPhil sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap nito ng pasya ng Director.

Kung gugustuhin pa rin ng TAPE (yan ay kung matatalo pa rin ito), pwede rin nitong iakyat sa Court of Appeals na ang anumang pasya naman ng DG. At kung matatalo pa rin ito, pwede namang iakyat sa Korte Suprema. Yun nga lang, kailangang patunayan muna ng TAPE na nagkaroon ng grabeng abuso sa diskresyon ang IPOPhil.

Mukhang malabo.

Hanggang walang TRO, maaari nang gamitin nina TVJ sa TV at sa mga gamit na saklaw ng kanilang bagong CoR ang mga trademark na Eat Bulaga at EB.

Kaya payo natin sa TAPE, huwag nang kumapit pa sa patalim. Kilala naman kasi talaga ng taumbayan mula pa 1979 sa RPN TV na ang mga mukha ng Eat Bulaga o EB ay sina TVJ. Gumawa na lang sila ng bagong programa, imbes na kukunin pa ang himig at estilo nina TVJ.

Tutal naman, para sa pamunuan ng TAPE e mga bagong henerasyon daw ang gusto ng masa. Pwes, patunayan nila, imbes na pakinabangan ang sinimulan at pinalago ng iba.

Maiba tayo.

Inilahad na natin sa LIVE ang mga swerte at hindi gaanong maswerteng zodiac signs sa 2024. Balikan at panoorin ng buo, pati ang mga Lucky Colors.

Mag Subscribe at iShare ang Nickstradamus Nickstradamus  channel sa iba. Libre lang yan. Marami pa kayong aral na mapupulot tungkol sa kababalaghan at batas.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!