Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAY payo ang motivational speaker na si Rendon Labador kay Kathryn Bernardo.
Knows na rin nga ni Rendon at umepal ito ng payo para raw sa tuluy tuloy na healing or pagmo-move on ni Kathryn sa break up nila ni Daniel Padilla.
Ani Rendon, subukan daw ni Kathryn na mag gym at hindi siya nito iiwan.
Ito nga raw ang takbuhan ng mga broken hearted.
Ayon pa kay Rendon, dito anya magpraktis si Kathryn ng boxing para if ever mahusay na ito ay puwede niyang gawing punching bag si Daniel.
Kumasa naman at binira si Rendon ng netizen regarding sa paghihikayat nito sa aktres na mag-gym at mag boksing.
Sey pa ng netizen na huwag na raw umepal or magbida bida si Rendon para sa healing process ni Kathryn.
“Di ba niya nakikita na super payat at nalaglag na ang katawan ni Kath tapos paggi-gym pa.
Ang dapat daw gawin ni Kathryn ay magpataba para bumalik ulit ang kanyang alindog at ganda.
***
Rochelle Pangilinan ‘di tanggap ang pag-guest sa kalabang show ng TVJ
HINDI pa rin matanggap ng kampo ng TVJ ang pagge-guest ni Rochelle Pangilinan sa kalabang programa, ang Eat Bulaga ng TAPE.
Si Rochelle ay mahabang taong naging parte ng programa ng TVJ noon sa EB.
Mabuti pa nga raw ang ibang naging host ng EB at nagpaalam at nirespeto ang TVJ para pumasok sa EB.
Naikumpara si Rochelle kay Ice Seguerra na bumilib ang TVJ dahil napangatawanan nito na huwag mag guest sa katapatang programa ng TVJ at ‘yun ay bilang respeto sa tinuring na tatay tatayan ni Ice sa showbiz, ang TVJ.
Kaya ganun na lang ang pagkabilib ng TVJ kay Ice sa kanyang paninindigan.
Well, well, well… ‘Yun na!