Advertisers
Absolutely the Constitution guarantees your right to express, to write and to communicate freely as long as you want it, but you have to be responsible and accountable for what you express, write and communicate — naaalala ko ang mga salitang ito ng isang lecturer namin nuong mga 35 taon na ang nakakalipas sa Asian Institute of Journalism.
Nabanggit ko ito dahil sa isang issue ngayon ang maiinit na tinatalakay sa Kongreso— para sierto, sa House Committee on Legislative Franchises kung saan resource person itong si SMNI anchor Jeffrey Celiz o kilala rin sa taguring Ka Eric. Ang dahilan ng kanyang presensya ruon ay sa umano’y paglaladlad niya ng”fake news”.
Ang issue na umano ay pekeng balita na ang ginastos daw ni House Speaker Martin Romualdez na Php1.8 bilyong piso sa kaniyang mga foreign travel…na noong umpisa pa lang e contempt na ang iniharap sa SMNI anchor sa dahilang ayaw niya at patuloy na pagtanggi nitong ilahad ang pinanggalingan ng kanyang sinasabing foreign travel expenses ng nasabing lider ng mababang kapulungan. Siguro ang hinahanap ng komite ay ang detalyadong listahan ng basehan nitong si Ka Eric — na nararapat naman talagang ilahad o ipakita. Sa komite kasi sa Kongreso, ang pagtatanong ng mga miyembro nito sa mga resource person ay minsa’y iba ang dating sa pandinig o panlasa. Nandidiyan yung dahil matalim at mapanuri ang tanong ng mambabatas na kinaiirita ng tinatanong hanggang sa siya ay mapasagot ng pabalang—na siyempre hindi kanais-nais sa pandinig ng mga mambabatas. UTMOST COURTESY IS RELIGIOUSLY OBSERVED IN ALL CONGRESSIONAL INQUIRY, dito sa Pilipinas at sa lahat ng bansa!
Karapatan ninuman ang magsalita o magpahayag ngunit siguruhin mong may basehan kang ligal at tutuo—hindi haka-haka! Ito ang BUOD NG IYONG KARAPATANG MAGPAHAYAG, me ebidensya o legal basis na kaya mong tayuan o patunayan na ang iyong sinasabi ay beyond doubt…only the truth.
Bilang pagtanaw sa pagod at kagustuhang mailabas ang katotohanan sa kanilang mga pagdinig sa Kongreso…nararapat lang na sila ay purihin dahil bilang mga mambabatas na nais maituwid at paigtingin ang mga batas ng Pilipinas at pairalin at palawigin ang mga ito para sa kapakinabangan nating lahat.
Be responsible with what you say and be man enough to stand for what you say. Kahit sa pagdating sa hukuman ang iyong sinasabi sa Kamara ay kaya mong patunayan sa abot ng iyong konsiyensiya at kakayahan, patnubayan ka nawa ng Diyos.