Advertisers
TIMBOG ang dalawang tulak nang makuhanan ng mahigit P100k halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na sina alyas “Alvin”, 37, tricycle driver ng Tarlac City; at alyas “Randy”, 44, jeepney driver ng Brgy. 120, Caloocan City.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD)Director P/BGen. Rizalito Gapas, 3:07 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation sa 2nd Avenue, Brgy. 120.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 16 gramo ng shabu na may standard drug price value na P108,800 at buy bust money .
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)