Advertisers

Advertisers

50 bahay natupok sa Quezon City; suspek kinuyog

0 3

Advertisers

SUGATAN ang tatlo katao nang masunog ang 50 magkakadikit na kabahayan sa Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.

Naging pahirapan ang pagresponde ng mga bombero sa mga nasusunog na bahay sa Unit 7, Upper Nawasa, Barangay Commonwealth dahil sa masisikip na eskinita, ayon kay Fire Inspector Belmore Bringas Jr.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na hindi bababa sa 12 fire trucks ang kinailangang rumesponde. Tumagal ng higit 3 oras bago tuluyang naapula ang sunog.



Walang naisalbang mga gamit ang karamihan sa mga nasunugan tulad ni Rebecca Prado na nagpapatayo palang ng bahay.

“Ginagawa po ‘yung bahay namin, hindi pa natatapos. Ngayon nawala na lahat ng pinaghirapan. Sana po lahat ng nasunugan bigyan po ng tulong. Ngayon hindi po namin alam kung saan kami titira,” ayon kay Prado.

Samantala, kinuyog ang isang lalaki na sinasabing may kinalaman sa pagsiklab ng sunog. “Silang magkapatid, pinetition na namin sila sa barangay. Nanununog kasi ‘yan sa barangay. Nung una, naagapan lang ‘yan kaya hindi natuloy. Ngayon gabi na, nagsindi na naman sila, tuloy-tuloy ‘yung apoy,” ayon kay Rolando Romero, residente ng lugar. Pero itinanggi naman ito ng lalaki.

“Wala po, tulog po ako e. Tapos kakagising ko lang po. Sabi ng kuya ko, tumakbo ka tumakbo ka. Wala naman po akong problema e,” giit nito.(Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">