Advertisers

Advertisers

2 barko ng Pinas nasira sa pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard

0 2

Advertisers

NASIRA ang dalawang barko ng Pilipinas sa panibagong pag-water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels (CMM) sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng regular rotation at resupply mission (RORE) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Linggo.

Dalawa sa apat na barko ng bansa ang na-damage, ayon sa National Task Force on the West Philippine Sea.

Sa kabila nito nagpatuloy ang RORE mission ng M/L Kalayaan, BRP Cabra, BRP Sindangan at Unaizah Mae 1.



Noong Sabado, binomba rin ng tubig ng CCG ng walong beses ang tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagbibigay ng humanitarian support sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Tinuligsa ng mga bansang Japan, Amerika at New Zealand ang ginawang pag-atake ng China sa mga barko ng Pilipinas.