Advertisers

Advertisers

Eugene napagkamalang beki si Pokwang

0 5

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BALIK-tambalan ang comedy queens na sina Pokwang at Eugene Domingo sa MMFF entry na “Becky and Badette.”

Huling nagsama ang dalawa sa riot na comedy na “D Lucky Ones” na pinagbidahan  nina Sandara Park at Joseph Bitangcol noong 2006.



Ani Eugene, hindi niya makakalimutan nang una niyang ma-meet ang kanyang co-star.
“Nakita ko si Pokwang sa ‘Clown In A Million.’ I was invited to give a talk sa mga natirang contestants siya talaga yung standout. Sabi ko nakakatuwa naman ito kahit hindi mo kinakausap, ang likot niya. Na-realize ko lang after, ‘Ay, babae siya?’ So siya ang nanalo. Di ba sinabi nga ni Direk Maryo J. Delos Reyes na dapat ikaw ang manalo,” sey ni Uge.

“Noong nanalo siya, nagsimula na siyang mag-guesting sa mga talk show. Then nagkasama kami kay Charlene Gonzalez, yung ‘At Home Ka Rito.’ So wala pa siyang kotse roon. Sabi niya, ‘Sabay naman ako sa’yo.’ Sabi ko, ‘Oo naman!’ Kasi kami yung natitira sa set. Marami pa kaming ginagawa. Tapos nakita ko talaga kung paano siya nagsimula at hanggang nagkaroon siya ng sasakyan. Hanggang sa umarte na kaming dalawa together sa D’ Lucky Ones kay Direk Wenn Deramas with Sandara Park and Joseph Bitangcol. After that, ito na. Yung kaming dalawa lang ang bida,” pahabol niya.
Pagbabahagi pa ni Eugene, marami raw silang pinagkakasunduan ni Pokwang kaya feeling niya ay swak ang kanilang mga personalidad.

Isa na raw dito ay ang work ethic ng actress.
“Gusto ko kay Pokwang yung pagiging professional niya. Ang bilis kumilos. Kasi kami sa set gusto namin umuwi nang maaga. So nagkakaintindihan na kami. Kapag nasa set na kami, hindi na namin pinaplano. Pinapabayaan na lang kami ni Direk pero okay naman. So organic yung labas ng comedy,” lahad ni Uge.
Mula sa The IdeaFirst Company at October Films, ang Becky and  Badette ay kuwento ng dalawang high school best friends na dumaan sa mga pagsubok ang  pagkakaibigan.

Idinirehe ng award-winning at acclaimed director na si Jun Lana (“Big Night!”, “Die Beautiful,” “Born Beautiful,” “The Panti Sisters,” “All About Us But Not About Us”) tampok din sa pinakakwelang pelikula ng taon sina Romnick Sarmenta, Agot Isidro at John Arcilla.
Ang “Becky at Badette” na kalahok sa ika-49 na edisyon ng MMFF ay magbubukas sa mga sinehan sa buong bansa simula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">