Advertisers
Hanggang kailan kaya bu-bullyhin ng China ang Pinas sa sariling teritoryo mismo natin sa South Philippine Sea (SPS)?
Ito ang katanungan ng buong sambayanan partikular na sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines(AFP) na tila kalmado pa rin sa kabila ng ginagawang harassment at harapang pamba-bastos ng mga Intsik.
Kumbaga sa away, masyado ng nayuyurakan ang ating pagkalalaki na marami na ring beses na tinapik at sinanggi sa sarili nitong baluwarte.
Napakarami ng paliwanagan ang namagitan sa tuwinang tayo ay hina-harang at pinipigilan ng kanilang coast guard at Chinese militia na pumasok sa sarili nating karagatan na para bang sinasabing sila ang lehitimong may-ari ng SPS.
Tayo pa ang lumalabas na mga intruder at nagtre-trespass sa sarili nating karagatan kung kaya’t ganon na lamang tayo kung pagtabuyan ng mga ito lalo na ang ating mga mangingisda.
Hindi rin naman makaporma ang sarili nating coast guard at hukbong-dagat sa China na lumalabas na sila ang nagdidikta at nagdadala ng phasing sa SPS.
Mantakin niyong pati ang paghahatid ng mga supply tulad ng pagkain at iba pang prime commodities sa ating mga kababayan sa M/V Sierra Madre na nakadaong sa isa sa mga isla sa SPS ay pinagbabawal ng mga ito.
Kailangan mo munang makipag-patintero sa mga Chinese coast guard upang makalusot patungo sa nasabing isla tsk… tsk… tsk…
Maraming situwasyon na rin ang naganap na kung saan tayo ay bino-bomba ng kanilang water cannon, ginagamitan ng laser beam hanggang sa sadyang banggain ang ating mga bangka at iiwanan na lang ng ganon na lang.
Sa kabila ng mga aktuwasyong ito ng China, wala tayong naging ibang tugon kundi ang mag-file ng “diplomatic protest” na tila hindi naman tina-tanggap ng nasabing bansa.
Ewan ba natin kung bakit ganon na lang i-deny at pasinungalingan ito ng China na obvious namang nagpapalusot at gumagawa na lang ng sarili nilang alibi.
Walang kamatayang pag-file ng diplomatic protest na ang ating inihain nguni’t sadya yatang hindi ito tanggap ng mga Tsino.
Hindi rin kinikilala ng mga ito ang desisyon at pagkapanalo natin sa International Tribunal Court on the law of the seas.
Dito ay sinasaad ng nasabing korte na ang inaangking teritoryo ng China ay lehitimong pag-aari ng Pilipinas. Ito ay hindi rin tanggap ng nasabing bansa.
Ayon sa China, hindi daw sila kasapi ng nasabing korte. Meron daw silang sariling sukat at interpretasyon na sila ang legit na may-ari ng ilan isla sa SPS na kaya nilang panindigan.
Hanggang kailan kaya matatapos ang isyung ito na lubhang sensitibo dahil ito ay “threat to national security” na pwedeng pagmulan ng sigalot at digmaan.
Habang maaga sana ay matuldukan na ang usaping ito ng kalmado at mapayapa dahil sa walang ibang magdudusa dito kundi ang Pinas at ating mga kababayan.
Maaaring tulungan tayo ng ating mga kaalyadong bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, Australia at iba pa pag dumating na sa sukdulan.
Harinaway huwag ng umabot sa puntong ito at ayusin na agad habang may panahon pang natitira.