Advertisers
SABAY sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rody Duterte noong Hunyo 31, 2022, nawala narin ang angas ng kanyang spiritual adviser Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at may-ari ng Sonshine Media Network Incorporated (SMNI).
Naputulan din ng pakpak si Quiboloy para lumipad sa ibang bansa dahil sa kanyang warrant of arrest kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa Esrados Unidos. Wanted siya sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
At mukhang tuluyan siyang mapipilay sa panibagong problema na ikinasa ni Senador Risa Hontiveros laban sa kanya matapos lumapit sa Senadora ang mga taong umano’y naging biktima niya sa KOJC.
Katulad ng ilang kasong kinakaharap niya sa Estados Unidos, ikinasa ni Sen. Hontiveros ang Senate Resolution 884 para imbestigahan si Quiboloy sa mga reklamong “large scale human trafficking, rape, sexual at child abuse”.
Nanganganib din mahinto ang pagsahimpapawid ng SMNI dahil sa umano’y pagkakalat nito ng mga maling impormasyon, kungsaan nakalusot na sa committee level ng House of Representatives (Kamara) ang unang hakbang para masuspinde ang operasyon ng naturang media company ni Quiboloy.
Sa mga problemang kinakaharap na ito ni Quiboloy, dito niya ilabas ang “magic” niya kung “sugo” nga siya ng Diyos, tulad ng pagyayabang niya noon na napapatigil niya ang lindol. Hehehe…
Dahil kung wala na siyang “power…” malamang na sapitin din niya ang nangyari kay “Senior Agila”, Jey Rence B. Quilario, ng “kultong” Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa Surigao del Norte, na dinurog ng Senado.
Ito ang sinasabi natin na walang masama na nagtatagumpay habang panahon, may resbak itong masamang karma. Mismo!!!
***
May masamang balita na naman ang Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte: Ang central office at 12 regional offices nito ay hindi raw nakapag-remit ng kabuuang P5.55 billion in taxes, insurance contributions at loan payments na ibinabawas sa mga guro at non teaching personnel hanggang katapusan ng 2022. Araguy!!! Kawawa na namana ng mga titser dito. Tsk tsk tsk…
Ito ang ulat ng Commission on Audit (CoA), na nagsabing ini-expose nito ang mga guro at ibang DepEd staff sa penalties, mabawasan ang mga benepisyo, at unwarranted interests. Fuck!
Sabi ng CoA, ang regional DepEd offices na may pinakamalaking unremited amounts sa GSIS ay ang DepEd Region 3 (Central Luzon) na nagkakahalaga ng P435.168 million; sumunod ang DepEd Region 6 (Bicol), P508.934m; DepEd Region 6 (Western Visayas), P2.199 billion; DepEd Region 9 (Zamboanga Peninsula), P580.8 million.
Kapag hindi kaagad ito naayos sa GSIS, malamang na hindi makakapag-loan ang mahal nating mga guro. Tsk tsk tsk…
***
Eleven days nalang po, PASKO NA!, mga ninang at ninong. Kaya ihanda n’yo na ang mga panregalo sa mga inaanak at kamag-anak. Hindi puwedeng puros mano lang, dapat may abot din. Hehehe… Advance Merry Christmas sa lahat. God bless us alll…