Advertisers
HINDI matatapos ang usapin tungkol sa pagkalas at pagbalik sa International Criminal Court (ICC) hangga’t hindi nabibigyan ng gobyerno ng hustisya ang libo libong pinatay “pekeng” war on drugs ng nakaraang administrasyon Duterte.
Oo! Iginigiit ng mga dating opisyal ng Duterte administration na kasalukuyan pang nasa kapangyarihan na hindi na kailangan pang bumalik sa yakap ng ICC dahil umuusad naman daw ang hustisya sa Pilipinas.
Pero giit ng human rights groups, asan ang sinasabing hustisya para sa mga inosenteng biktima ng “extra judicial killings” kaugnay ng war on drugs? Ang mga taong nasa likod ng mga krumal-dumal na mga pagpaslang sa “Tokhang” ay nasa kapangyarihan parin at maging ang kanilang mga assassin ay wala pang nakakasuhan o nahuhuli.
Sa datus ng human rights groups, nasa 30,000 indibidwal ang mga pinaslang sa ‘Operation Tokhang’ ng war on drugs. Pero sa datus ng Philippine National Police higit 5,000 lamang ang biktima.
Ang engineer ng Tokhang ay si noo’y PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na naging City Chief of Police din ni ex-President Rody Duterte noong mayor ng Davao City ang huli at may “alagang” “Davao Death Squad” na ang isa sa major assassins na umamin at bumaligtad ay si retired police Arturo Lascanas.
Isa si Sen. Bato sa mga humaharang na maging miyembro uli ng ICC ang Pilipinas dahil umiiral naman daw ang batas sa Pilipinas.
Oo! Umiiral ang batas…para sa kanilang malalakas! Pero para sa mga mahihina na biktima ng karumal-dumal na mga pagpatay, nganga si katarungan!
Ano nga ba ang kinatatakutan nitong mga kontra sa ICC gayung ang mandato lamang ng huli ay mabigyan ng hustisya ang mga kaluluwa ng mga biktima na hindi napagkalooban ng tamang katarungan ng gobyernong naging manhid sa hustisya ng mahihirap dahil sa politika?
Iginigiit ng mga suspek na wala silang kinalaman sa extra judicial killings. Kung ganon… bakit hindi hayaan ang ICC magsagawa ng imbestigasyon? para kung hindi sila ‘guilty’ e ‘di wow!
Sabi ng eksperto sa batas na si retired Supreme Court Chief Juctice Artemio Panganiban, kung naisin ni Pangulong “Bongbong” Marcos na bumalik sa ICC, mayroon itong tatlong options: “maintain the status quo, allow local authorities to cooperate with the ICC, or to bring the Philippines under the ICC’s fold altogether as the drug war probe looms.”
“My humble opinion is that, based on the available information showing that our withdrawal from the ICC was made solely by the President without the Senate’s concurrence, the President may simply revese his own act by recalling the letter of withdrawal without need of a new Senate ratification,” paliwanag ni Panganiban. “The Senate ratification of the Rome Statute that created the ICC had never been reversed by the Senate. Hence, the concurrence it gave on Aug. 23, 2011, via Senate Resolution No. 57 still mightilystands to this day.”
Yan ang humble opinion ng eksperto sa batas. Say n’yo mga pare’t mare?