Advertisers

Advertisers

Heat kinumpleto ang 2-game sweep sa Hornets

0 2

Advertisers

KUMAMADA si Duncan Robinson ng 23 points habang si Jimmy Butler nag-ambag ng 15 points at game-high 10 assists upang tulungan ang host Miami Heat na tustahin ang Charlotte Hornets sa 115-104 wagi Miyekules ng gabi sa Kaseya Center.

Kyle Lowry at Jaime Jaquez Jr. nagdagdag ng tig-17 puntos para sa Miami. Walang sablay sa tira ni Lowry, na kumana ng 5-for-5 mula sa floor,4-for-4 mula sa 3-point range at 3-for-3 mula sa foul line. Robinson gumawa ng 6 of 9 3-pointers.

Kinumpleto ng Heat ang two-game sweep sa Hornets matapos maungusan ang Charlotte sa manipis na 116-114 Lunes.



Dinomina ng Miami ang boards, outrebounding ang Hornets 47-31. Ang Heat nagtala ng 17 offensive rebounds kumpara sa apat ng Charlotte.

Terry Rozier pinamunuan ang Hornets sa game-high 28 points, nagawa ang 10 of 14 shots mula sa floor, kabilang ang 5-of-6 3-pointers, habang si rookie Brandon Miller bumakas ng 18 points.

Ang Hornets ay nabigo ang anim sa kanilang nakalipas na eight games.