Advertisers

Advertisers

Sarah G P1-M per song kaya ‘nambitin’ sa out-of-town show

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING mainit na topic na kumakalat ngayon ang presyuhan sa TF ni Sarah Geronimo nang mag-perform ito sa isang out-of-town show.

Lumalabas kasing may mga nagrereklamo dahil nabitin sila sa naging performance ng singer-actress sa nasabing show.



Sey ng isang X social media user na si Bests: “contract is contract, ang lala nung 1M per song! Grabe! Kaya based talaga sa facts lagi ang popsters eh. 👑”

Reaksyon naman ni Fearless Tiwalag Kevin Arthur na tila may inside information sa nangyari, totoo raw na mahal ang talent fee ng Popstar Royalty considering her status sa Philippine showbizlandia.

Tweet niya: CONFIRMED na 1M per song si Sarah G haha pero kung gusto niyo palang mag FULL CONCERT bakit di niyo binayaran yung FULL TF niya na pang concert w/live band lol

We understand na nabitin kayo BUT it’s not her fault na yun lang iperform kasi yun lang naman ang nasa contract & tf nya”

Nag-react naman ang iba’t ibang netizens sa naturang post.



Ito ang kanilang mga komento sa nasabing thread.

“so if ever one song lang nasa contract, one song lang talaga? or mapagbigay naman siya specially pag nagrequest ng one more ang mga tao?”

“500k noon 2016 era. 1 song lang. walang meet and greet dati”

“Mamahalin kasi si madam BWAHAHAHHA”

“actually pag ganyang province, 1 song lang yan sya. nagdadagdag na lang”

“Bat nagrereklamo si Kagawad, di ata sya aware…hahaha 😂”

“Bitin na bitin sila sa exposure ni Sarah G. Hindi sguro sila aware sa TF ni Sarah G hehe”

“Post ng post si kagawad na di nag iisip. Clout chaser ata 😂😂😂”

“6M ang TF niya sa Victorias City at 2 lang yung kinanta niya ata?”

“OA ha. Hindi naman ganun ka powerful ang boses ni ate. Mas maraming magagaling na singer sa kanya who deserve that talent fee. Ni hindi nga ako bibili ng concert ticket nya.”

“Superstar kasi po s Sarah G. tpos ang usapan starlet cant relate ganern po un hahaha”