Advertisers

Advertisers

Kathryn at pamilya sa bagong bahay na magpa-Pasko; Matteo wish sa X-mas na magka-baby na sila ni Sarah

0 21

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ETO ang kauna unahang pagkakataon na magpa-Pasko si Kathryn Bernardo na wala nang syota.

Halos 11 years na lagi nitong kasama  sa lahat ng okasyon si Daniel Padilla



Sa kabila na zero lovelife na si Kathryn sa darating na Pasko, grabe ka-happy ito dahil sunud-sunod na bagong endorsement ang bumuhos sa aktres.

Happy rin ito na magdiriwang ng Pasko kasama ang pamilya niya.

Itong darating na Pasko ay lilipat na sina Kathryn at pamilya sa bagong bahay na pinagawa ng aktres

***

TATLONG taon na rin nagsasama bilang mag-asawa sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil 2020 ng February nang ikasal ang dalawa.



Maraming atat na fans na magbunga na ang pagmamahalan ng AshMat.

Till now kasi mag-3 years na ay di pa rin sila nabibiyayaan ng supling.

Naghihintay na nga lang ng tamang panahon ang mag asawa kung kailan sila pagkakalooban ng anak.

Umaasa naman na darating ang pinapangarap ng mag asawa na magka-baby na.

Tingin ni Matteo ay handa na sila ng wifey na si Sarah na bumuo ng sariling pamilya. Kaya wait na lang ang celebrity couple kung kailan ba darating ang blessings.

Kaya matindi ang wish ni Matteo na ngayong darating na Pasko at New Year ay mabiyayaan na sila ng baby.

Well, well, well… ‘Yun na!