Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
NAGTATAKA lang ako kapatid na Blessie, parang hindi masyadong napag-uusapan ang paghihiwalay nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, puro KathNiel pa rin ang napapanood ko sa socmed.
Diko alam kung takot sila pag-usapan, kasi nga si tita Annabelle Rama ang mother ni Chard at kilala naman natin si Bisaya na talagang pag mali ang ibinalita mo hindi ka niya tatantanan.
Naka move on na si Kathryn Bernardo, lumipat na siya sa bagong bahay niya at nakapag-pakulay na siya ng buhok, si Daniel naman umatend na sa gift giving ng mga bata sa Okada Manila so ibig sabihin talagang ini-enjoy na nila ang isa’t isa, kaya dapat move on na rin ang mga vlogger.
Well, balik tayo sa isyung Richard/Sarah, may nakausap kaming source at ayon sa kanya nang makarating daw kay Bisaya na tila nagkakalabuan na ang pagsasama ng dalawa talaga raw pumunta siya at binitbit ang mga apo na sina Zion at Kai, para hindi nila ma-witness ang tumitinding away ng mag-asawa.
Kung sabagay, kilala ko si tita Annabelle na talagang mahal niya ang kanyang mga apo dahil nuon ngang humiwalay si Ruffa kay Ylmas Bektas, isa lang ang sinabi niya, isama mo ang mga anak mo pag-uwi ng Pinas at yun nga ang nangyari.
Dugtong pa ng aming source, mayroon daw kasing nakikitang hindi magandang pag-uugali si Bisaya kay Sarah kaya nakikialam na ito.
Ang anak niya raw kasing tahimik lang at di nagkukwento ng kanyang problema ewan ko kung saan siya nagmana siguro sa daddy Eddie niya.
Busy daw kasi si Richard sa kanyang action serye, ang “Iron Heart” na talagang pinag-isipan niya nang husto para mapaganda.
Ayon pa sa source siguro raw hindi na nakayanan at napagod na ang utak nito sa pag-iintindi ng kanyang asawa kaya nakapagdesisyon na itong hiwalayan para matapos na ang kanyang kalbaryo….#AbawAh!!!