Advertisers
Pinangunahan nina Cynthia A. Villar at Deputy Speaker Camille Villar ang pagdiriwang ng 18th Parol Festival noong Disyembre 14, 2023 sa Villar SIPAG Complex. Itinatampok ng taunang kaganapan ang paligsahan sa paggawa ng parol na sinalihan ng mga kasapi ng “Samahan ng Magpaparol ng Las Piñas.” Si Luzviminda Gallardo, na kinatawan ng kanyang anak na si Ignacio, ay nanalo ng unang gantimpala at nakatanggap ng P20,000 cash prize, habang si Anna Lisa Flores ay nakatanggap ng P15,000 at si Glecy Dela Cruz ay P10,000. Ang taunang patimpalak ay kumikilala sa talento at talino ng mga Las Piñeros na responsable sa pagkilala sa Las Piñas bilang Parol Capital ng NCR. (CESAR MORALES)