Advertisers

Advertisers

Kapag Lumalamig, May Umiinit

0 2,517

Advertisers

Tuwing naguumpisang lumamig, may umiinit. Ito ang napansin ko sa tagal ng karanasahang dinanas ko sa larangan ng serbisyo publiko may 35 taong singkad ang nakakaraan.

Disyembre na ngayon, may nabasa ang pahayag na inilathala sa social media ng mga Cavaliers na pawang PMAyers ang iba ay kilala at nakatrabaho ko sa public safety service sa Camp Crame, Camp Tomas Karingal, NCRPO sa Camp Bagong Diwa, sa Western Police District at nitong huli sa Camp Vicente V Lim.

Isang Manifesto for the Defense of Democratic Rights and the Immediate Release of Dr. Lorraine Badoy Partosa at Mr. Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang ipinarating sa akin ng aking dating kasama sa CIS na ngayon ay mas kilala sa pangalang CIDG, na si Atty Avelino Abogado “An Unyielding Stand Against the Erosion of Democratic Liberties na nagsasabing:



In the gravest terms, we, the custodians of liberty and justice together with our spouses, families and the broader community of allies, rise in unison and assert our resolute and unflinching support for
Dr. Lorraine Badoy Partosa and Mr. Jeffrey “Ka Eric” Celiz. Their current hunger strike symbolizes a profound and direful protest against the flagrant abuse of legistlative authority by the House of Representatives—-a body that has strayed from its noble mandate and succumbed to wielding its power as a weaponagainst the very citizens it is bound to serve…

***

Sa madaling salita ang mga PMAyers na lumagda sa manifestong ito ay di nasisisyahan sa pagkaka-contempt ng HoR kina Ka Eric at Dr. Lorraine ng Sonshime Media Network Incorporated nang ang dalawa ay naimbitahang maging resource persons sa isang komite sa Kongreso. “Their detention is not only illegitimate but also emblematic of a distressing trend of authoritatian overreach”….patuloy ng manifesto ng mga nagiinit na damdamin ng mga opisyal ng AFP na ang iba ay retirado na.

Sa pagtatapos ng kanilang nilagdaang manifesto na nagsasabing: “ In the face of this affront to our democratic way of life, we stand firm. Let it be known that our will cannot be bent, our voices cannot be muted, and our fight for justice will not be deterred. The House of Representatives must heed to right this wrong, lest it be forever marked as an enemy of the people it purports to represent.”

Humigit kumulang 25 silang lumagda, kabilang ang mga nakasama ko… si retired Gen Isidro Lapena, si General Herminio Tadeo Jr at General Roberto Fajardo na kilala kong mga dedikado at maaasahang mga opisyal na walang bahid dungis ng katiwalian nang sila ay nanunungkulan.



Sa ganang akin, may ipinaglalaban ang mga opisyal na ito na dapat ay may norm of conduct na nararapat rin sa pagatatrato sam ga resource persons na naiimbitahan sa mga pagdinig sa Kongreso in aid of legislation.