Advertisers

Advertisers

7-anyos nasawi sa ‘higanti’ ng errand boy

0 8

Advertisers

NATAGPUANG walang buhay ang 7-anyos batang lalaki nang kidnapin at paslangin ng errand boy o katulong ng kanilang pamilya sa Leyte, Leyte.

Inihayag ng pulisya, naiulat na nawawala ang biktima na kinilalang si “Aaron”, mula sa Barangay Palid sa Leyte Huwebes ng hapon, Disyembre 14.

Agad nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang lokal na pulisya at nakita sa kuha ng CCTV camera, dinala si Aaron ng errand boy ng kanilang pamilya na kinilalang si Kevin Lapu-Lapu y Maglasang, 27, sakay ng isang tricycle 2:30 ng hapon ng Huwebes.



Kinabukasan ng Biyernes, Disyembre 15, nag-report pa sa trabaho ang salarin na parang walang nangyari.

Inimbitahan ang suspek ng pulisya para sa interogasyon kaugnay ng nakita nila sa CCTV. At doon inamin ni Labu Lapu na dinala niya ang biktima at iniwan sa Sitio Lawad, Brgy. Palid 1.

Kaagad nagsagawa ng search and retrieval operation ang lokal na pulisya kasama ang Leyte Police at nahanap ang biktima na wala nang buhay sa madamong lugar.

Nang matagpuan ang biktima, umamin si Lapu Lapu na pinatay niya ito. Ginawa aniya ang krimen bilang paghihiganti sa pananakit ng ina ng biktima sa kaniyang nakababatang kapatid na nagtatrabaho rin bilang isang errand boy sa tindahan ng naturang pamilya.

Ayon sa salarin, sinaktan ng ina ng biktima ang kaniyang nakababatang kapatid dahil nag-dirty finger daw ito sa isa pa nitong anak na menor de edad din.



Inamin ng salarin na tinakpan niya ang bibig ng biktima at lumuhod sa tiyan nito hanggang sa mawalan na ito ng hininga. Pagkatapos nito, agad niyang iniwan ang biktima sa pinangyarihan ng krimen at umuwi sa bahay ng kaniyang amo.

Napag-alaman din na bago mangyari ang naturang krimen, nauna nang nahatulan si Lapu Lapu ng kasong may kaugnayan sa ilegal na droga sa Maynila, at nakalabas lamang ito sa kulungan nang aprubahan ng korte ang kaniyang Plea-Bargaining agreement.

Samantala, matapos siyang basahan ng Miranda rights kaugnay ng pagpaslang sa bata, dinala si Lapu Lapu sa Calubian MPS para sa kaukulang disposisyon at tinawagan ang Biliran Forensic Unit para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.