Advertisers

Advertisers

Fans nag-iyakan nang makita ulit magkasama ang KathNiel sa ABS-CBN X-mas Special; Barbie ‘di inaaya mag-date ni Jak, nagtampo

0 11

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGTAMPO umano si Barbìe Forteza sa boyfriend na si  Jak Roberto.

Ibinahagi ng Kapuso aktres ang date  nila ni Jak kamakailan.



Ayon kay  Barbie, nag-decide raw silang lumabas ng aktor kasi “Nagtampo kasi ako kasi ‘di na niya ko niyayaya mag-date. Wala akong emoji kapag nagre-reply.”

“Congrats sa successful 12.12 Sale! Thank you sa dinner! I love you, Boss @jakroberto.”

Ang sagot ng boyfriend, “Thank you Madam! Simula ngayon alam ko na gagawin.”

Aniya pa: “Ang hirap naman pag nagtampo si Madam.”

Matagal na ang relasyon nina Jak at Barbie kaya kilalang-kilala na ng aktor ang girlfriend.



Alam pala nito kapag nagtatampo ang girlfriend.

***

ANNE, KIM, ANGELICA AT KATHRYN VIRAL ANG VIDEO SA ‘SALUTE’

VIRAL ang video  nina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Anne Curtis at Angelica Panganiban habang nasa stage.

Pinost ng Kapamilya Online World shows ang kuhang video ng mga ito habang sila ay  nasa  stage para sa ABS-CBN Christmas Special.

The said gorgeous celebrities performed “Salute” by Little Mix, which earned loud cheers and applause from the crowd.

“Salute to the Biggest QUEENS of ABS-CBN to watch out for this 2024! – Anne Curtis, Kim Chiu, Angelica Panganiban, and Kathryn Bernardo together with all the leading ladies

#ForeverGratefulChristmasSpecial

#PaskoAngPinakamagandangKwento #ABSCBNChristmasSpecial2023”

Aliw na aliw naman ang mga Kapamilya artists sa performance ng apat lalo na ang timbre ng kanilang mga boses, huh!

***

AYAN, muling nagkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN Christmas Special.

Nag-perform on stage ang ex celebrity couple.

Na-surprise ang fans nang bumulaga sa entablado ng Smart Araneta Coliseum kung saan ginanap ang Christmas Special ng Kapamilya nitong December 13 ng gabi.

The former couple happily danced and sang together to the hit theme song of American sitcom Friends, “I’ll Be There For You” by The Rembrandts.

Hindi magkarinigan sa loob ng coliseum dahil sa dumadagundong na hiyawan at palakpakan ng mga fans. May mga napaiyak pa nga.

Ito ang kauna-unahang public appearance nilang magkasama after nilang i-announce ang kanilang official breakup last November 30.

Fans and netizens couldn’t help but express their excitement after seeing Kathryn and Daniel together.

“Hagulgol na yung tao oh huhuhu”

“I LOVE YOU TWO SO MUCH!!!  WE WILL ALWAYS BE HERE FOR YOU TWO!!! ”

“So delighted to see them together on stage despite their break up but still friends!! I know in my heart that they will get back together in God’s perfect time!”

“Omg. My Blue Heart”

“grabe yung hiyaw ko kahit nasa bahay”

Ang KathNiel fans ay may dala-dalang big and colorful placards para sa kanilang  idolo.

Kasama ng ex-couple sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Ogie Alcasid.