Advertisers

Advertisers

Karla ayaw pakabog, nakiuso kina Kathryn at Sarah

0 5

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

KAPAG ang isang babae ay nagpaputol o nagpakulay ng buhok, madalas ay naikokonek ito sa pagrerebelde.

Kung hindi naman ay binibigyan ito ng kahulugan bilang pagsisimula sa bagong kabanata ng kanyang buhay.



Minsan, nangyayari ito kapag kahihiwalay pa lang ng isang babae o di kaya naman ay para tumakas sa kanegahan o toxicity sa kanyang paligid.

After ng breakup niya kay Daniel Padilla, nagpakulay ng orange na buhok si Kathryn Bernardo.

Nag-sport din ng short hair si Sarah Lahbati pagkatapos na pumutok ang balita sa hiwalayan nila ni Richard Gutierrez to declare umano her independence.

Hindi naman nagpakabog ang naunsyaming future mother-in-law ni Kathryn na si Karla Estrada.

Usap-usapan ngayon ang latest post niya sa Instagram kung saan bago ang haircut niya as she sports blonde hair.



May caption pa itong  “Let’s go lighter!”

Sa kanya namang selfie sa kanyang kotse, may paepek pa siyang background music “I Am Woman” ni Emmy Meli.

Umani naman ng papuri sa ilang celebrities ang bagong look ng TV host-actress.

Hirit naman ng mga nagmamaldita, tinapatan daw ni Blondina ang orange hair ni Kathryn.

Sey pa ng kibitzers, pati raw look ni Karla ay may statement sa kanegahang nararanasan dala ng paghihiwalay ng KathNiel.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“Papansin si Queen Mother.”

“Tinapatan ang orange hair ni Kathryn.”

“Nagbanlaw sa kanegahan dahil nakukuyog sa Kathniel breakup.”

“Ayaw pakabog kina Kathryn at Sarah.”

“Iba rin si Mother.”

“Unbothered ba ang project?”