Advertisers

Advertisers

MIAA inutil kontra mga manloloko sa NAIA

0 13

Advertisers

NAPAKATAGAL nang problema ang mga manlolokong taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bawat palit ng administrasyon, ang laging promises ng bagong namumuno sa Manila International Airport Authority (MIAA) ay pagtibayin ang seguridad ng NAIA, wawalisin ang mga fixer lalo ang mga manlolokong taxi na nambibiktima ng mga pasahero partikular mga turistang banyaga.

Pero ang mga pangakong ito ng namumuno sa MIAA ay hanggang laway lang, wala naman talagang ginagawang hakbang para masawata ang mga mandurugas na nakaabang lang ng mga mabibiktima sa pasilidad ng paliparan.



Tulad nitong nag-viral na post ng isang pasaherong Taiwanese na siningil ng P10K ng isang taxi driver na naghatid lang mula Terminal 4 to Terminal 3 ng NAIA, at isa pang pasahero na siningil ng almost P2K mula NAIA T3 hanggang Paranaque.

Ang mga ganitong pangyayari ay nakakahiya sa mga mata ng mga banyagang turista, Ang latay nito ay sa gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos. Kasi nga simpleng problema lang ito para masawata kung talagang nag-iisip ng pangseguridad ng mga pasahero ang mga opisyal partikular ang namumuno sa MIAA.

Ang solusyon ko: Tadtarin ng CCTV ang buong area lalo ang entry at exit ng MIAA, maglagay ng security camera na lahat ng taxi na papasok ay makukuhanan ng larawan ang driver nito, huwag papasukin ang mga taxi na hindi accredited maliban sa mga maghahatid ng pasahero, maglagay ng signages na magpapaalala sa mga pasahero na huwag sumakay sa taxi sa labas ng airport, ituro ang mga pasahero sa pila ng accredited taxis, at pagbayarin agad ang pasahero sa booth ng accredited taxis. Sa ganitong paraan, tiyak walang malolokong pasahero at walang taxi driver na manloloko. Period!

Teka sino ba ang itinalaga ni PBBM na general manager ng MIAA? Dapat sipain n’ya na ang inutil na ito! O kaya’y kung may delicadeza ang GM na ito, magbitiw nalang siya. Bibilib pa tayo!!!

***



Deadline na pala ngayong linggo, last day sa December 29 (Biyernes), para sa mga political party at partylist groups na gustong lumahok sa eleksyon sa 2025.

Dapat higpitan din ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggap ng partylist. Aba’y karamihan ng mga partylist ngayon ay pinamumunuan ng mga bilyonaryo, mga kapitalista, hindi ng mga grupong maralita.

Tulad nitong Ako Bicol, partylist ng bilyonaryong kontraktor na si Zaldy Co; PBA Partylist ng Nograles ng Davao; at marami pang partylist kuno na puros kapitalista ang nasa likod.

Kung ang purpose nitong mga partylist ay para mabawasan ang kahirapan o makapagbigay ng maraming trabaho, dili sana’y mababa na ang bilang ng mahihirap at mga walang trabaho sa bansa?

Ang nangyayari, habang lumalaki ang bilang ng partylist lalong lumalaki ang kakailanganin pondo tapos wala namang nakikitang maaayos na programa, maliban sa puros pagbibigay ng ayuda. Animal!

Dapat lusawin nalang ang partylist sa pinaplanong ChaCha!