Advertisers
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga national government agencies na pag-aralan ang operationalization ng full devolution initiatives at magsagawa ng mga listahan ng mga functions ng Local government units.
Ayon sa Presidential Communication Office (PCO) batay sa naging pulong sa Malacañang nuong nakaraang Linggo, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan na ma-define at matukoy ang priority core functions at serbisyo na kailangang ma- devolved sa mga LGUs.
Inutusan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG), sa pakikipagtulungan ng Union of Local Authority of the Philippines, na gumawa ng listahan ng mga pangunahing tungkulin at serbisyo na dapat gawin ng mga LGU batay sa kanilang Devolution Transition Plans at ng pambansang pamahalaan.
Ang DILG ay binibigyan ng hanggang Enero 2024 upang isumite sa Pangulo ang listahan sa Enero 2024, o isang buwan na mas maaga kaysa sa ulat ng pagsusuri ng NEDA.
Inatasan din ng Pangulo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng sensitivity analysis sa kung papaano makakuha ng investment ang gobyerno.
Nais naman ng Pangulong Marcos na maisumite ng NEDA ang kumpletong pag-aaral sa Office of the President sa katapusan ng February 2024.
Nawa’y sa hakbanging ito ay makamit na ng mamamayan ang minimithing kaunlaran ng pamumuhay.
Nasa kanilang lokal na pamahalaan na kasi ang “complete power & resources” na kakailanganin para maipagkaloob ang lahat ng essential at basic services sa tao.
Nasa lalawigan, siyudad o bayan nyo na po magmumula ang tulong at ayudang kinakailangan.
Pasipagan na lamang at pagalingan ng mga local executives.
Malas nyo nga lang kung ang inyong mayor o gobernador ay tamad,malatuba o magnanakaw.
Happy New Year to one & all.
Mabuhay & welcome 2024!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com