Advertisers
NOONG nakaraang taon, hinikayat ni Gongdi si BBM na ituloy ng administrasyon ng huli ang kanyang madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Paulit ulit si Gongdi sa paghimok kay BBM. Nakisali maki ang alalay na si Bong Go. Malamig si BM. Bagaman hindi nagsalita si BBM, hindi pinansin ang mungkahi ni Gongdi at Bong Go.
Malinaw na hindi. Ito ang tugon kay Gongdi. Kahit ibato kay BBM ang mga akusasyon kasama ang lababo at kubeta, hindi maaaring akusahan si BBM na isa siyang mamamatay tao. Iyan ang dahilan kung bakit matamlay siya sa panukala ni Gongdi na ituloy ang kanyang programa kontra droga. Walang katwiran na ituloy ang giyera niya kontra droga.
Walang naiambag ang digmaan kontra droga ni Gongdi. Hindi nawala ang droga. Tuloy ang kalakalan sa droga lalo na ang bentahan. Ipinapatay ni Gongdi ang mga druglord na kalaban sa bentahan. Pero ngayong wala na siya poder, gulay na siya. Walang lakas at hanggang pambubuyo na lang. Hindi na siya sineseryoso.
Mabuti at hindi naniwala si BBM sa gusto ni Gongdi. Walang mapapala ang kanyang gobyerno sa mga patayan. Hindi patayan ang solusyon sa suliranin sa droga. Kailangan niyang makipag-usap sa kanyang mga heneral na nasa harap at nakikipagtunggali sa problem. Hindi niya kailangan si Gongdi.
Hindi namin nalilimutan ang mungkahi ng kanyang julalay na si Bong Go na gawin siyang drug czar ng gobyerno ni BBM. Hindi kailangan si Gongdi sa gobyerno ni BBM. Mas mabuti na manahimik na lang siya. Mas maganda na umuwi na lang siya sa kanyang lungga sa Davao City at huwag makialam sa takbo ng gobyerno dito.
***
PATULOY na umuugong ang balita na nandito sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) upang magsiyasat sa partisipasyon ni Gonggdi sa malawakang patayan, o extrajudicial killings (EJKs), na isinagawa ni Gongdi. Nagsalita kahit ang pipitsuging abogado na si Harry Roque tungkol sa pananatili ng mga taga-ICC. Hindi niya napigil ang pagpasok ng mga taga-ICC upang gawin ang kanilang trabaho.
May pahayag si Sonny Trillanes hinggil sa pagpasok ng mga taga-ICC: “Sa mga naggagaling-galingan na abogado ni duterte, basahin nyo ito: According to Sec. 17 of RA 9851, An Act Defining Crimes Against Humanity, etc., ‘In the interest of justice, the relevant Philippine authorities MAY DISPENSE with the investigation or prosecution of a crime punishable under this Act if another court or INTERNATIONAL TRIBUNAL IS ALREADY CONDUCTING THE INVESTIGATION. Instead, THE AUTHORITIES MAY SURRENDER OR EXTRADITE SUSPECTED OR ACCUSED PERSONS IN THE PHILIPPINES TO THE APPROPRIATE INTERNATIONAL COURT…’”
Walang magawa ang mga nagpapanggap na expert sa international law tulad ni Harry Roque. Mukhang nakalimutan nila ang desisyon ng Korte Suprema na nagsabing obligasyon ng gobyerno ng Filipinas ang makipagtulungan sa ICC tungkol sa mga patayan na kaugnay sa digmaan kontra droga ni Gongdi.
Siyanga pala, walang ibinabang executive order, memorandum circular o kahit verbal na utos si BBM upang pigilan ang pagpasok ng mga taga-ICC. Iyan ang ipinagpuputok ng butse ng kampo ni Gongdi. Hindi pinigil ni BBM ang ICC sa proseso ng batas. Mistulang gulay na si Gongdi. Walang magawa. Hindi mapigilan ang daloy ng kasaysayan.
*
KAHIT anong babala ang gawin ni Harry Roque, hindi siya papansinin dahil gulay na si Gongdi. Hindi totoo na magkakagulo kapag hinuli si Gongdi at dinala sa The Hague upang ikulong at harapin ang mga akusasyon sa kanya. Sa ganang amin. Kailangan ni Gongdi na magpakalalaki upang harapin ang paglilitis sa kanya. Hindi puede na magmagaling siya at basta magbanta.
Kailangan rin ni Harry Roque na magpakalalaki. Harapin nila ang ICC ng diretso. Hindi uubra ang banta na magkagulo. Sino ang luko luko na magpapakamatay kay Gongdi at grupong Davao City na pawang mga kriminal?
***
MAY isinulat ang aming kaibigan Philip Lustre tungkol sa unang tatlong buwan ng bawat taon. Sa quarter na ito kadalasan nangyayari ang mga makasansayang yugto, aniya. Basahin:
UPHEAVALS
I’m watchful whenever the first quarter of every year comes. Great political upheavals of cataclysmic proportions in Phl history occur in the first quarter of every year. The First Quarter Storm of 1970, when political activism went on an upswing, EDSA 1, which ended the Marcos dictatorship, and EDSA 2, which kicked out the plunderer Erap, had occurred on the first quarter.
Probably, the weather is fine. It’s not hot; neither it’s raining hard on the first three months of the year. Just the same, let’s be watchful. Who knows something cataclysmic may happen in the first quarter of 2024?
Definitely, political characters who intend to plunge into the 2025 midterm elections will announce their intentions in the first quarter. Or the ICC may come out with the inception report on its formal investigation on Duterte and ilk. Or a change in U.S policy on the China, as its further establishes its presence in East Asia.
The policy changes may include the strict implementation of the Magnitsky Law, and its expanded version, the Global Magnitsky. Or they may involve some movements in the military or the Cabinet, or some other issues. We can only surmise, or guess, or speculate, or hope.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: Sara Duterte behaves like a troll herself – a person who intentionally antagonizes others with inflammatory, irrelevant or offensive comments. By being provocative with deceit, she probably sees herself in the Machiavellian mold of her autocrat father.” – Leisbeth Recto, netizen, kritiko
“Duterte acolytes, who don’t believe the visa and travel ban to the U.S. under the Magnitsky Law and the expanded Global Magnitsky Law , should test the ban by trying to enter the U.S.and member-states of the European Union. Hence, the likes of Tito Sotto, Manny Pacquiao, Bato, Bong Go, Jose Calida, and other skeptics should try using their issued visas and see for themselves their current situation. They could gloat to their hearts’ content, if and when they could enter without hassles. At the moment, they should shut up instead of expressing their opinions, which are contrary to news reports. Tingnan natin ang kanilang tikas at gilas… – at tapang kung may natitira pa… “ – PL, netizen. kritiko
***
Email: bootsfra@yahoo.com