Advertisers

Advertisers

Marco Gomez puntirya ng 2 gay celebrities

0 2,018

Advertisers

Ni BOY ROMERO

 

WHAT is Tiktok sensation Marco Gomez’s loss is “Anak Ng Macho Dancer” star Sean de Guzman’s gain. Tinanggihan kasi ni Marco ang “Lockdown” movie at yung role niya sa said film ay napunta sa kapwa kasama sa grupong Clique V na si Sean. At dahil dun, napansin ni Direk Joel lamangan si Sean hanggang si De Guzman na nga ang napili para maging bida sa “Anak ng macho Dancer.”



Hindi kasi kaya ni Marco ang makipag-kissing scene sa kapwa lalake.Wala pa raw kasi siyang experience na ganu’n at ‘yun ay malinaw niyang naipaliwanag sa batikang direktor at naunawaan naman daw siya ni Lamangan.

Pero maliban sa no to kissing scene with kapwa lalake, no qualms na rin si Marco sa pagpapa-sexy sa pelikula. Kahit na frontal nudity, okey na rin sa kanya.

“Nagpakita na nga ako ng puwet sa concert namin noon at laking Europe ako,” deklarasyon ng morenong binata nang makausap namin sa bahay ng kanyang manager.

“Kaya ko ring gawin at ipakita ang lahat,” matapang na dugtong pa niya.

Well off ang family ni Marco sa Austria. Pero kuwento niya sa amin na bata pa siya ay pangarap na niyang mag-artista. At gusto na niyang magpunta sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pangarap.



Bukod sa pag-arte, may boses ito at magaling ding magsayaw, pruweba na yung iba’t ibang klase ng sayaw na ipinapakita niya sa Tiktok na million ang views.

At nag-aaral din si Marco rito sa isang pang-mayamang school. Bukod sa kinikita niya rito, pinadadalhan siya ng allowance ng kanyang mommy at kapatid na lalake.

Sa pagpasok niya sa showbiz ay hindi mawawala ang tapunan siya ng intriga. Diumano may dyowa siyang isang gay politician, pero todo-deny si Marco sa isyung ito.

Pero inamin niyang may dalawang gay celebrities na nagpaparamdam sa kanya. Yung isa raw ay pinagbigyan niyang magkita sila at kumain sa isang restaurant. Isinama ni Marco ang ilan sa kanyang mga kasama sa Clique V, pero after ng unang pagkikita nilang yun ay hindi na nasundan pa uli.

Kung anu-ano na raw kasi ang ipinapangako ng gay celeb sa kanya and obviously, tinanggihan siya ni Marco.

Aminado siya na marami siyang natatanggap na indecent proposals, mula sa offer na 1k, 2k, 5k at hanggang sa pinakamataas na 200k. Naiisip daw niya kung ano ang kanyang gagawin sa mga offer na ito at lahat ng natatanggap na indecent proposal ay ipinapaalam sa manager niyang si Mam Len Carillo at pareho raw nilang ini-ignore ang mga ito.

More on Marco in my next column!

***

STILL on Mam Len Carillo. Ang ganda ng kuwento pala kung paano nabuo ang grupong itinatag niya na “Clique V.”

Ang mga miyembro nito ay mga natalo sa isang model search. Watched ang mabait na manager ng gabing yun kasi ang anak niyang babae ay kasama sa contest  at nanalo ito.

Though win ang anak, napaisip ito sa mga naligwak, ang guguwapo daw, pero bakit natalo o hindi man lang pumasok sa finals. So kinuha niya ang mga ito at nabuo ang grupo.

Aminado si Mam Len na marami ang nagtatanong sa kanya, including yung press bakit niya kinuha ang mga ito. At inamin ding sinugalan niya ang mga ito at ngayon nga naman, may magandang bunga na, maaaring hindi lahat may magandang career sa hawak niyang talents, pero andiyan na ang harvest time para sa alagang si Sean de Guzman na bida ng “Anak Ng Macho Dancer.”

Naniniwala si Mam Len na pag kumita ang “Anak Ng Macho Dancer,” mahihila raw ni Sean ang iba pang alaga sa taas.

Ngayong  may career na ang ibang alaga ay wala raw siyang nararamdamang takot na baka masusubukan ang loyalty ng mga talent na  maghahanap na ng mga ito ng bagong manager.

“Nag-expire na ang kanilang kontrata at ako pa nga ang nagsabi sa kanila na maghanap na sila ng bagong manager pero sila ang may ayaw.

“Sila pa ang nagsabi na magre-renew na sila,” may ngiti pang sabi ni Mam Len.

Hindi raw siya strict na manager. Oras at dedikasyon sa trabaho lang ang mahalaga sa kanya.

At yung pagiging honest ng mga alaga. Ayaw niya ang nagsisinungaling. Hindi niya pinapakialaman ang lovelife ng mga alaga, wala siyang ipinagbabawal pagdating sa pakikipagrelasyon ng mga ito.

Katwiran niya, lalo lang magsisinungaling ang mga ito pag pinapakialaman o pinagbabawalan ang lovelife.

Hindi isang manager ang turing niya sa mga alaga. Isang nanay ang ipinararamdam niya sa mga ito kasabay ng haplos ng pagmamahal.