Advertisers
NAGPALABAS na ang Land Transportation Office (LTO) ng alarma para sa isang Toyota Vios na nahuli-cam at nag-viral na nakikipagtalo ang driver ng sasakyan sa isa na namang kaso ng road rage sa Quezon City.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang paglalagaysa alarm status sa sasakyan ay bahagi ng isinasagawang imbestigasyon para makilala ang driver na may dala ng sasakyan nang mangyari ang nag-viral na video.
“A Show Cause Order was already issued and this was sent to the registered owner of that vehicle. As part of the due process, we want to know the side of the person involved before any action of the LTO,” pahayag ni Mendoza.
Nakalagay sa SCO na nilagdaan ni LTO-National Capital Region Director Roque Verzosa III, ang kahilingan sa registered owner ng Vios na magtungo sa tanggapan ng LTO sa Enero 17 at magsumite ng isang notarized affidavit o kanyang panig na hindi siya nararapat patawan ng anoman penalty.
Hiniling din ni Mendoza sa registered owner ng sasakyan na makipagtulungan sa imbestigasyon dahil kung hindi ay mapipilitan ang ahensya na maglabas ng desisyon base sa mga ebidensya. (Almar Danguilan)