Advertisers

Advertisers

QCPD kay Mayor Joy, nangakong patuloy na protektahan ang QCitizens

0 45

Advertisers

Sa tuwing pagpasok ng Bagong Taon, naging tradisyon na rin sa bahagi ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbibigay-galang sa pinuno ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Ang ganap ay mas kilala sa tawag na traditional “New Years Call”.

Nitong Enero 4, 2024, pinangunahan ni Police Brigadier General Redrico A Maranan bilang District Director ng QCPD, ang pagbigay-galang ng pulisya ng lungsod sa Ina ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon na si Hon. Josefina “Joy” Belmonte.

Sa tinawag na New Year Courtesy, kasama ni Maranan sa pagbibigay respeto kay Mayor Joy ang buong puwersa ng command group, mga Chiefs ng Directorial Staffs, at ang mga Station Commanders ng Police Station 1 hanggang 16 at iba pang opisyales ng QCPD.



Ang ganitong ganap ay naging kaugalian na at ginagawa taon-taon sa pagpasok ng Bagong Taon.

Siyempre sa pagkakataong ito, bilang Ama naman ng Kapulisan ng kilalang Most Awarded Best Police District sa buong Metro Manila o National Capital Region (NCR), ipinabatid ni Maranan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa walang sawang suporta na ibinibagay ng QC-LGU sa mga programa ng QCPD.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng QCitizens kung paano sinuportahan at patuloy na sinusuportahan ng QC – LGU sa pangunguna ni Mayor Joy ang mga kailangan ng QCPD upang mapagtagumpayan ang lahat programa ng QCPD para sa kapakanan ng lungsod partikular na ang sinasabing milyon-milyong QCitizen – ang maayos na pagpapatupad ng batas at mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng lungsod.

Nakita naman natin na simula nang maupo bilang District Director ng QCPD si Maranan, malaki ang ibinaba ng krimen sa lungsod nitong last quarter ng 2023. Ibig sabihin, hindi binigo ni Maranan ang QCitizens sa kanyang mga ipinangako sa talumpati nito noong maupo siya bilang District Director (Setyembre 2023) na gagawin niya ang lahat sa tulong ng buong puwersa ng pulisya, para sa kapakanan ng mamamayan ng lungsod.

Sa bahagi naman ni Mayor Joy, siya ay nagpasalamat sa pamunuan ng QCPD para sa maayos na pagpapatupad ng batas at mapanatili ang peace and order sa lungsod.



Kasabay ng pagbigay respeto ng QCPD sa Most Awarded City Mayor sa buong bansa, nangako Maranan kay Mayor Joy na ang buong kapulisan ng QCPD ay hindi titigil sa pagbabantay sa lahat ng sulok ng QC upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan lalong-lalo na ang kapakanan ng bawat QCitizens.

‘Ika pa ni Maranan na ang tapat na serbisyo ay ipapakita at ipaparamdam ng ating kapulisan sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya laban sa lahat ng kriminalidad.