Advertisers
WALA na raw aktibong Guerilla Front ang New People’s Army (NPA) ayon sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director USec Ernesto Torres Jr., sa ngayon ay tuloy-tuloy ang gagawing clearing efforts ng task force sa mga barangay na dating nasa ilalim ng impluwensya ng mga teroristang komunista sa pamamagitan ng Barangay Development Program (BDP).
Pero para naman kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, di pa rin dapat makampante ang lahat dahil kaiba pa rin ang ipinahahayag ng CPP-NPA-NDF na taliwas sa isinasaad ng mga ito sa joint communique noong November 23, 2023 sa Oslo, Norway.
Sa kasunduang kasing nabanggit o’ ang sinasabing Joint Oslo Communique napagka-isahan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF, iiwan na ng mga komunistang-terorista ang panawagan labanan ang pamahalaan sa armadong pakikipaglaban.
Nanawagan pa rin kasi ang sa pamamagitan ng tinatawag nitong “3rd rectification movement” na ipagpatuloy ang armadong pakikipaglaban.
Kung ganito pa rin ang postura ng mga komunistang-terorista, wala tayong ibang sisisihin kapag may nabalitaan na naman tayong mga patayan sa mga kabundukan, kung di ang CPP-NPA-NDF.
Pero kung sunsundan natin ang pahayag ni USec.Torres na wala ng aktibong guerilla front ang NPA, ano pa ang pinanghahawakan nitong panawagan na ipag-papatuloy pa ang kanilang armadong pakikipaglaban sa pamahalaan.
Sabihin na natin, na mayroon pa silang natitirang ‘katiting’ na mga armadong unit, kaya pa ba nilang makipaglaban?
Mas mainam pa siguro na magsisuko na lamang sila. Nang sa gayon, ay makita nating lahat, na maaari palang magsama-sama ang lahat para sa tunay na kapayapaan.
Wala na nga. At ubos na halos sila (CPP-NPA-NDF), bakit nananawagan pa na ipagpa-tuloy pa ang pakikipaglaban? O palakas-loob na lang ito?
Magsisisuko na kayo, gaya nang ginawa ng marami sa inyong mga dating kapanalig, na ngayon ay namumuhay na sa maayos na pamumuhay at di na sumisigaw ng kahirapan.