Advertisers

Advertisers

Mas maraming pang modernization project sa 2024, pinaghahandaan ni Tansingco para sa BI

0 6

Advertisers

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang ahensya ay naghahanda ngayon para sa mas marami pang modernization projects para sa 2024.

Ibinahagi ni Tansingco na umaasa sila na dadagsa ang bilang ng mga turista dahil sa agresibong kampanya ng Department of Tourism. Sinabi nito na ang ahensya ay nakatakdang ipatupad ang maraming proyekto upang gawing mas madami at mabilis ang international travel.

Sinabi din ng BI Chief na nakatakdang nilang palitan ang 25% ng kanilang manual operations ng electronic gates sa 2024. Idinagdag pa niya na ito ay medium-term plan, at inaasahang nila na ang kalahati ng kanilang operations ay magiging electronic na sa 2026.



Ibinahagi din nya na nakatakda nilang palawigin ang kanilang e-services na kasama na ang ibang immigration services. Ipinagmamalaki niya na ang mga turista ay pwede ng mag-extend ng kanilang visas online, upang makaakit ng mas maraming biyehero upang mag-enjoy sa iba’t-ibang tourist destinations sa bansa.

Inanunsyo din Tansingco na kanila ng pina-finalize ang requirements para sa mas mabilis na immigration processing para sa cruise tourists, na mas makakaakit ng mas maraming cruise ships na mapagpipilian sa bansa bilang kanilang destinasyon.

Ayon pa kay Tansingco, naniniwala siya na ang BI modernization law ay papasa na ngayong taon dahil mismong si Senator Juan Miguel Zubiri, Senate President ay nagpahayag ng suporta sa updated law.

Noong nakaraang State of the Nation Address ni President Ferdinand ‘Bong-Bong’ Marcos’, muli nitong inulit ang pagpasa ng bagong batas upang palakasin ang nation-building.

“We thank the President and lawmakers for their support in this very urgent measure,” sabi ni Tansingco.



Ang panukalang modernization measures ay magbibigay kapangyarihan sa BI na gamitin ang kita nito na makabili ng makabagong gamit at teknolohiya. Dahil dito ay makapag-o-operate ang BI na mas epektibo upang tuparin ang papel nito sa national security.

Ang panukalang batas na pinagdedebatehan ngayon sa Senado ay inaasahang babago at mag-a-update sa 84-year-old Philippine immigration act of 1940. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)