Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang Instagram account, binigyang kredito ni Ruru Madrid ang kanyang nobyang si Bianca Umali.
Na-ospital kasi ang Kapuso actor dahil ilang araw na itong may trangkaso, sumasakit ang lalamunan at hirap magsalita.
Kuwento ng bida ng “Black Rider”, sinabihan daw siya ng kanyang doktor na kinakailangan niyang magpahinga para sa mabilis nitong paggaling.
“Nakakalungkot na sa araw na ito, mayroon po sana akong trabaho… pero hindi po ako pinayagan ng Doctors gawa ng baka lalo daw po lumala ang nararamdaman ko at mas marami pang commitments ang hindi mapuntahan,” aniya.
Nalungkot din ang aktor dahil nakansela ang ilan niyang commitments dahil sa kanyang pagkakasakit.
“I feel bad na kailangan po umabot sa ganitong sitwasyon at naapektuhan ang trabaho. Kanina when I checked my phone nakita ko ang isang post sa commitment ko today ng mga taong nag eexpect po na makita po ako… at parang dinudurog ang puso ko na hindi ako makakapunta,” sey niya.
Humingi rin siya ng paumanhin na naapektuhan ang trabaho ng iba sa pagkaka-pack up ng shoot sanhi ng kanyang kundisyon
“Gusto ko po humingi ng paumanhin… gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan,” dagdag ni Ruru.
Nangako naman ang aktor na babawi siya at magpapagaling agad.
Ibinahagi rin niya ang pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng girlfriend na si Bianca Umali na matiyaga siyang binantayan habang nasa emergency room.
“May isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung [nagsi-chills] ako dahil ba sa sakit o sa kilig. Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nag-asikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat, at nag-alaga sa akin,” ani Ruru.
“Mahal na mahal kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding-hindi ko pagpapalit kailanman,” dugtong niya.
Marami naman ang kinilig sa mensahe ni Ruru sa kasintahan.
May mga bumilib naman sa debosyon ni Bianca sa aktor.