Donny Pangilinan Dinumog Sa SM Cebu, ‘GG’ Movie Inaabangan Na Ng Fans; Marion Aunor Patuloy Na Kinikilala, Namamayagpag Ang Singing Career
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA kauna-unahang pagkakataon ay may sumugal sa isang Esports movie na GG o “Good Game” na pinagbibidahan ng hottest Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan and his Mom Maricel Laxa.
Yes, with the cooperation of Create Cinema and Media Quest ay nabuo ang GG ng Mediaworks ni Donny and his parents Maricel and Anthony Pangilinan. Also his sister Hannah na co-writer at kanilang creative producer. At kung pagbabasehan ang trailer ng Good Game na pang pamilya at barkada movie ay sulit ang pagod at effort ng lahat. At sa rami ng fans and supporters ni Donny na napapanood araw-araw sa “Can’t Buy Me Love” with ka-loveteam Belle Mariano. Na sila o DonBelle ang itinuturing na number one loveteam sa ngayon, siguro naman ay marami ang susuporta sa solong pelikula na ito ni Donny sa character na si Seth na tinatalakay ang mundo ng mga gamer.
At sa involvement ng gwapong actor sa adrenaline-filled project, Donny shares, “It’s a thrilling feeling knowing that something in the works for quite some time will now be shown nationwide. ‘GG’ is a project that hits very close to home, mainly because I have the honor of acting alongside my mother. The esports aspect, as well as having the Tokwa’t Bad Bois (TBB) barkada make this dream collaboration for me and all involve.” At sa media junket ng GG held at KMC One Ayala in Makati ay natanong si Donny kung nagkaroon ba sila ng problema ng Mommy Maricel niya dahil sa pagkahilig niya sa Egames na nasa top level na pala siya. Donny answered, na oo raw lalo na kapag oras na ng lunch o dinner. Kapag hindi pa raw siya bumaba, tinatawagan siya ng mommy niya sa kanyang cellphone. Syempre, kasunod noon ay mamamatay yung nilalaro niya at wala siyang choice kundi ang bumaba at naiintindihan naman daw niya ito. At alam niyo ba na kahit si Maricel ay nag-aral talaga maglaro ng online game, na nagka-vertigo raw ang mahusay na actress. Kahit si Boots Anson Roa na gumaganap na lola ni Donny sa movie ay inalam din kung paano ito laruin. At sabi ng beteranang aktres, ke aware ka man o hindi sa Egame ay dapat mapanood niyo ang GG lalo na ang mga kabataan at kanilang mga magulang para maintindihan nila kung bakit nawiwili ang kanilang mga anak sa paglalaro ng video games.
At may aral na makukuha sa pelikula na mas maganda na ito ang hobby ng inyong anak basta in moderation lang kaysa mapunta sa bad influence na barkada at mag-drugs. Para naman kay Maricel, importante ang komunikasyon lagi ng parents sa kanilang anak. Ang director at writer ng movie at si Prime Cru, na isang gamer din at para lalong maging mas makatotohanan ang eksena ay ginabayan ng Metasports si Donny at mga co-tokwa bad bois na sina Baron Geisler (Coach Kurt), Trickz (Gold Azeron), Johannes Risler (Kev), Igi Boy Flores (Joseph or Extra Rice), Kaleb Ong (Santino) at Icebox na mysterious and legendary skilled masked gamer whose identity is their skill.
Katuwang din nila rito ang Philippines Esports Organization. Sabi nga ng executive producer ng movie na si Sir Anthony Pangilinan, kailangang malaman din natin ang mundo ng mga gamer nang sa ganoon ay maiintindihan natin sila. Ang multi-awarded singer na si Moira Dela Torre ang kumanta ng themesong ng movie na special treat ng MediaWorks sa lahat ng manonood ng Good Game sa opening day nito on January 24. At may Red Carpet ang buong cast sa Jan. 23 sa SM Megamall Cinema.
Sa nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng GG? Ito raw ang sinasabi kapag mahusay mong naitawid ang iyong laro. In connection with their promo, umapir sina Donny at mga barkadang Tokwat Bad Bois sa isang sports event ng ACER sa Mall of Asia Arena. Magkakaroon din ng mall show and school tours ang cast at mamimigay sila ng 25 brand new laptops.
Ang Star Cinema ang magre-release ng Good Game movie. Ang nasabing movie outfit ang isa sa producers ng number 1 top grosser movie sa katatapos lang na MMFF 2023 na REWIND. Ang GG ay collaboration ng MediaWorks sa Create Cinema, Media Quest at Star Magic.
Pinagkaguluhan pala sa kanilang promo sa Cebu si Donny at ang inang si Maricel. At hindi magkamayaw sa sigawan at tili ang fans sa mall show ni Donny sa SM Cebu. By the way, tribute na rin ang GG the movie sa namayapang si Ronaldo Valdez, na lolo ni Donny sa nasabing movie. Yes, ito ang dalawa sa pelikulang naiwan ni Tito Ronaldo bago siya namatay.
***
MARAMI na talaga ang nakakakilala kay Marion Aunor. Yes, pinagkaguluhan talaga siya ng fans sa recent guesting niya sa Wish 107.5 sa Eton Centris in Quezon City. Kinanta ni Marion ang patok niyang latest single na “NAHULOG,” from her owned Music Label, WILD DREAM RECORDS. Kinanta rin nito sa nasabing guesting ang “AKO NA LANG,” na unreleased song niya.
Well, bukod sa maganda at may talent ay malakas talaga ang karisma ni Marion sa audience. Kita niyo naman, majority ng mga kantang cinomposed at ni-record ay pawang nag-hit including the movie themesongs she recorded. Marion got 2 big nominations also at PMPC Star Awards for Music for FEMALE R&B ARTIST OF THE YEAR for “Traydor Na Pag-ibig” and REVIVAL RECORDING OF THE YEAR para naman sa “Nosi Balasi.”
Well, posibleng masungkit ni Marion ang dalawang parangal lalo’t lahat ng mga bumabati sa kanya ay nagsasabing deserving siyang manalo. Of course, for me ay winner na ang pretty artist bebe daughter ni Ma’am Maribel Aunor at nabigyan niya ng justice ang pag-awit ng dalawang songs na nominado siya. Agad namang i-pinost ni Cool Cat Ash ang nominations ng kanyang sister na si Marion. Yes, super proud siya sa achievements ng kanyang Ate. Ganoon din naman si Marion kay Cool Cat Ash, ipinagmamalaki nito sa lahat ang magandang career ng kapatid na abot hanggang ibang bansa ang kasikatan.