Advertisers

Advertisers

Glaiza kay Angelica: ‘Mag-lielow ka muna sa social media’

0 246

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

LINGID sa kaalaman ng lahat, nagkaroon na ng lamat sa pagitan nina Charice aka Jake Zyrus at inang si Raquel.

Mas tumindi pa ang sigalot sa mag-ina nang tuluyang patayin ang  imahe ni Charice.



Ngayon ay talagang binanatan ni Mommy Raquel ang anak sa inilabas nitong libro na may titulong I AM JAKE ZYRUS.

Dito ikinuwento niya na nung bata pa siya bilang si Charice kung paano anya siya disiplinahin ng ina.

Inakusahan nito ang ina na mabigat ang kamay at bayolente.

Sa patuloy na kuwento ay pinukpok ng takong sa ulo si Charice nung bata pa na nagmarka at hinahagupit din siya ng belt na metal.

Nakasaad din sa libro ang pagsabi ni Jake na evil mother at abusive.



Gumagamit pa nga raw ang ina ni Jake ng fake accounts sa IG para siraan ito ang anak.

Buwelta naman ng ina ni Jake na walang ina na gustong ipahamak ang anak.

At ang evil mother nga raw na sinasabi nito ay nasaan ba siya ngayon at kung hindi nga raw sa evil mother nito ay di nito makakamit ang tagumpay.

Pero kahit ilang libong libro pa raw ang ilabas ni Jake ay ‘di na maibabalik pa ang dating pinagtagumpayan nito bilang si Charice dahil sa pagbabago nito.

Sa kabila noon ay ipina-tattoo pa rin ni Jake ang name ng kanyang ina sa parte ng kanyang katawan.

***

KASABAY ng bertdey ni Angelica Panganiban nung November 4 ay sumabay naman ang katakut-takot na bash dito ng mga DDS.

Kahit nga si Glaiza De Castro na kaibigan nito ay na-hurt sa pambabatikos.

Personal na kasi ang atake kaya minsan pag babasahin ay talagang hindi nga raw magre-react.

Hindi naman daw si Glaiza nasusulsulan o gagatungan pa si Angelica para magliyab.

Isa si Glaiza na nagko-comfort sa kaibigan at present ito sa 34th birthday ng BFF.

Kaya matinding payo ni Glaiza sa kaibigan na mag-lielow muna sa mga post sa kanyang social media account.

Pansin din na blooming ang Angge na tila may inspirasyon na ayaw pang sabihin.

Isa lang naman ang hugot ni Angelica na bakit pa raw io-offer mo ang buhay mo sa tao na inialok naman ito sa iba na kumbaga ay naging mautak na ito pagdating sa pag-ibig.

Kahit mga big boss ng ABS-CBN ay bumulaga sa kaarawan ng aktres sa mismong online show nito na Ask Angelica at natuwa dahil sa pagiging loyal nito sa network.

Well, well, well…’Yun na!