Advertisers

Advertisers

BI nagbabala sa nagpapaikot ng immigration laws: mag-asawang Pinoy naisalba sa exploitation sa Laos

0 11

Advertisers

MULING nagpalabas na babala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga nagpapaikot ng batas kapag aalis ng bansa, matapos na mapauwi ng bansa ang mag-asawang Pinoy mula sa Laos.

Ang dalawa na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 via Air Asia flight noong January 12 ay unang umalis ng Pilipinas patungong Malaysia noong Abril ng nakaraang taon. Sila ay nagpanggap na turista at iniwan ang kanilang apat na anak.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang dalawa ay na-recruit lamang sa Facebook bilang mga mga “Tele Sales Agent” kung saan ang buwanang sweldo ay Php 45,000.



Sinalaysay ng mga biktima na nang dumating sila ng Malaysia sila ay agad na dinala sa Bangkok, pagkatapos ay sa Mekong River at sakay ng bangka sila ay bumyahe sa Laos sa tulong nang mga hindi kilalang indibidwal.

Ayon sa kanila, sila ay pinick-up ng mga lalaking Chinese at dinala sa kanilang work areas.

Sa loob ng walong buwan ang mag-asawa ay nagtrabaho bilang Telesales agents sa online casino, kung saan sila ay nagre-recruit ng Filipino players sa pamamagitan ng listahan ng kanilang contacts na ibinigay ng kanilang Philippine-based employer, kung saan sila ay tumatanggap ng sahod at komisyon.

Pero ang kanilang trabaho ay nahinto mula December hanggang January ng taong ito dahil sila ay kinulong at pisikal n inabuso ng kanilang employers.

“Their release came at a cost, with the couple paying nearly Php800,000 to secure their freedom. Fortunately, they managed to contact a family member, seeking help from the Philippine Embassy,” pagsasaad ni Tansingco.



Binigyang-diin ni Tansingco ang panganib na kaakibat ng pag-alis ng bansa nang walang proper documentation.

“This unfortunate incident highlights the perils that individuals face when attempting to bypass legal processes,” ayon kay Tansingco.

“We urge all citizens to adhere to immigration laws and regulations, as leaving the country without proper documentation not only jeopardizes personal safety but also contributes to illegal activities that may lead to exploitation,” dagdag pa nito. ( JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)