Advertisers

Advertisers

RECTOR NG EDSA SHRINE, NAGPAALALA SA ‘PROFESSIONAL STANDARDS’ NG MGA PULIS

0 63

Advertisers

“ANG kadalubhasaan na mayroon ka ay dapat palaging gamitin sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Hindi ka naging pulis para lang isulong ang sarili mong kapakanan at interes. Ikaw ay tinawag upang maglingkod sa bayan at ang iyong buhay ay dapat gamitin para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino”

Ito ang makabuluhang mensahe na hatid ni Rev. Fr. Jerome Secillano sa mga pulis na laging sumunod sa mga propesyonal na pamantayan at gamitin ang kanilang kadalubhasaan sa paglilingkod sa mga tao.

Sa kanyang pagbisita sa lingguhang flag-raising ceremony sa grandstand ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, sinabi ni Rev. Fr. Secillano, rector ng EDSA Shrine, sa mga pulis na taos-pusong paglingkuran ang mamamayan ayon sa kanilang mandato at dapat sumunod sa etika at moral na pamantayan.



Ayon kay Rev. Fr. Secillano, nagulat siya dahil akala nito ay sa seminary lang itinuturo ang etika dahil ang Philippine National Police ay naglalaan ng isang partikular na araw para sa 30th Ethics Day celebration.

“Ang etika ay isang sangay ng agham na nagsasabi sa moralidad ng mga aksyon ng tao. Kapag sinabi natin ang moralidad, sinasabi natin ang kahulugan ng tama at mali,” dagdag niya.

Sinabi ni Rev. Fr. Secillano sa mga pulis na huwag maging ipokrito at ipakita ang kanilang tunay na pagkatao at bilang isang pulis, hindi ka dapat magsuot ng maskara. Ikaw ay tinawag upang maglingkod sa bayan. Ipakita mo sa taumbayan na karapat-dapat ka sa kanilang pagtitiwala dahil isa kang tunay na lingkod-bayan.

Idinagdag pa nito na kung ‘peke’ ang pagkatao mo ay hindi ka dapat kabilang sa PNP. Ito ay isang malupit na salita ngunit dapat na iyon ay isang mapaghamong salita para sa lahat.

Hinimok din ng alagad ng diyos ang mga pulis na gamitin ang kanilang kadalubhasaan at kakayahan sa paggawa ng mabuti sa ibang tao.



Samantala, tumanggap ng medalya ng papuri at pagkilala mula kay NCRPO Regional Director PMGen Jose Melencio Nartatez Jr., ang ilang magigiting na pulis na nagpakita ng kagalingan at katapangan habang gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa mamamayan. (JOJO SADIWA)