Advertisers

Advertisers

Sextortion case lumalala

0 14

Advertisers

LUMALAKI ang bilang ng mga biktima ng sextortion, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police.

Upang maiwasan ito, huwag pumayag kuhanan ng video ang pakikipagtalik kahit pa sa kasintahan. Iwasan din ang magpadala ng nude photos sa ka-chat lalo kung ‘di persinal na kakilala. Ang mga ganitong bagay ang madalas nauwi sa sextortion.

Tulad nitong nadakip sa entrapment ng NBI na sextortionist, Dave Herson Dohinog, 28 anyos, residente ng General Trias, Cavite.



Sabi ng NBI, ang istelo ni Dohinog ay makipagkaibigan sa kabataan sa pamamagitan ng kanilang social media accounts, at sisimulan niyang i-seduce ito online sa pamamagitan ng pagpapanggap na babae sa pangalang “Patricia Coz”.

Hihilingin niya sa targets na magpadala ng nude photos o videos nila. Kapag nangyari ito, tatakutin na niya na ia-upload ang naturang nude pictures/videos online.

Dahil takot ang biktima na ma-expose sa social media ang naturang sexual activities, mapipilitan itong ibigay ang gusto ni Dohinog, sex man o pera.

Pero hindi pa raw dito tumigil si Dohinog, sabi ng hepe ng NBI-Anti-organized and Transnational Crime Division na si Atty. Jerome Bomediano. Gumawa raw uli ito ng, gumamit ng pangalang “Rafael Guinto” matapos i-upload online ang nude photos at videos ng kanyang biktima na nagreklamo laban sa kanya.

Gumamit ng Rafael account, nakipag-usap si Dohinog sa biktima at sinabing may kakilala siyang marunong mag-take down ng nude photos/ videos online. Pero humirit ito ng P368K na bayad.



Kapag tumanggi ang biktima sa sexual advances ni Dohinog, ang Guinto account naman ay hihirit ng P368K or else ire-report niya ito sa mga awtoridad sa pagpadala ng “illegal materials”.

Dahil hindi makapag-raise ng pera ang biktima, nagsumbong na ito sa kanyang mga magulang sa pagba-blackmail sa kanya. Lumapit sila sa NBI. At nahuli sa entrapment si Dohinog.

Inamin naman ni Dohinog ang kanyang kademonyohan. Nahaharap siya ngayon sa mga kasong ‘Grave coercion’ sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, paglabag sa ‘Anti-Photo and Voyeurism Act’, paggamit ng mga pekeng pangalan at pagtatago sa tunay na pangalan, at paglabag sa ‘Anti-Alias’ law.

Ayon sa NBI, nitong nakaraang taon ay nakahuli rin sila ng 24-anyos na lalaki na nambiktima ng mga batang babae gamit ang kaparehong scheme.

Inamin din daw ng lalaki na marami na siyang nabiktima bago maaresto, sabi ng NBI.

Again, girls, para hindi mabiktima ng sextortionists, huwag magpadala ng sexy photos sa mga taong nakipagkaibigan sa inyo sa social media. Kahit sa nobyo, huwag magtiwala. Dahil may kaso na pagkatapos ng break-up ay nangha-harass pa ang ex-dyowa. Okey?